Chapter 8 - The Shipper

3.6K 159 7
                                    

MAINE'S POV

Bumalik na kami sa bahay na pinagtitigilan namin kanina. Narinig ko namang ang usapan nina Alden at ng Jowapao sa likod ko.

Jose: Ikaw ah, ginugulo mo 'yung tao. Kita mong kababalik lang.

Alden: Hindi ko naman sinasadya e.

Wally: Hindi mo sinasadya e nagpapahaging ka na e. May pagtulo pa nga ng luha e.

Jose: Masakit ba Brad? Alam mo 'yan si Maine, si Meng 'yan e. Oh,oh!

Paolo: Ano daw? Ano ka ba?! Hindi parin nagbabago 'yan. Mabait pa rin naman 'yang si Meng.

Nang makarating na ako doon sa bahay nakita ko si Mama Ten na nakaupo at nag-aayos ng gamit ni Alden.

"Mama Ten!! Miss na miss na kita!" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit

"Meng ganda mo ngayon ah."bati niya naman sa akin

"Hindi naman po, napatigil lang sa New York, kumonyo conyo lang konti pero ako parin po ito. Nahanginan lang po talaga ng New York. Ma, hiramin ko muna kayo saglit, ok lang?

"P.A mo?"

"Ma naman e. Syempre hindi. Gusto ko makipagkwentuhan! Ok lang?"

"Oo naman. Kaya lang---"

Dali-dali akong umalis bago ko pa marinig ang sasabihin ni Mama Ten.

"Sige po paalam lang po ako kay Alden."umalis ako saglit at lumapit kay Alden na kararating lang

"Uy, Alden. Ahhm. Paalis na ba kayo? May sunod ka ba agad na gagawin after this? Paalam lang sana ako sayo." sabi ko habang nag-aalinlangan

Nakita ko namang kumunot ang noo niya habang nagsasalita ako at parang nagtataka.

"Umoo ka na, Brad!" Sabi ni Kuya Jose

Narinig naman pala ni kuya ang sinabi ko na nasa likuran niya rin lang. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy.

"Pwede ko bang hiramin muna si Mama Ten saglit? Kwentuhan lang kami saglit? Kahit one hour lang. Namiss ko lang talaga siya. Hindi kasi ako nakapagpaalam nung bago ako umalis. Pwede ba?" Tanong ko na parang nahihiya

Paolo: HAHAHA! Si Mama Ten pala! Ikaw naman Maine. Hindi mo pa isama si Alden para naman kayong "others".

Sinamaan ko naman ng tingin si Kuya Pao kaya umalis na ito.

"Sabi ko nga aalis ako e." Naglakad na palayo si Kuya Pao habang tumatawa tawa

"Meng, ahhmm, sige oo naman."sagot naman ni Alden sa akin

------------
MAMA TEN'S POV

Nakita ko namang papalapit sa pwesto ko si Maine dala dala ang mga pagkainna inorder niya kanina. Malaki na ang pinagbago ng batang ito physically pero ganoong ganoon parin ang ugali sa ibang tao. Hindi mo kakikitaan ng ere o pagiging mayabang. Hindi rin nga kasi pangkaraniwan sa mga babae ang ugali ni Maine, na maging ako ay humanga sa kanya. Hindi ko masisisi si RJ kung bakit hindi niya talaga kayang magmahal ng iba. Bukod tangi nga naman kasi si Maine. Ngumiti siya sakin, bago tumabi sa upuan ko.

The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon