Chapter 24 - Not him

2.7K 151 16
                                    

ALDEN'S POV

"NAIA, 9:15 am. Lacoste Yellow V-Neck Tshirt, Louis Vuitton Fastlane Sneakers."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"You saw me?"

Natigilan ako nang makita ko ang sagot sa mga mata niya.

Paano? Nakita niya ako? Nakita niya ko sa airport! Tangina.

"Yes, I saw you Alden."

"Maine.."

"Buong akala ko, nandun ka para makita ang pag-alis ko. Ngayon ko lang nalaman na nasa bahay ka na pala at sinundan mo lang kami papunta dun. Pero bakit? Bakit nandun ka? Bakit sumunod ka pa?"

Hindi naman ako makapagsalita at nananatiling nakatingin lang sa kanya.

"Okay let's say, natakot ka nga at naisip mo na nakapagdecide na akong umalis. Pero bakit ka sumunod sa airport?! Bakit Alden?! Hindi ko kasi talaga alam na nasa bahay ka. Pero shet Alden, ano 'yung sa airport?! Bakit may ganun? Bakit ka pa sumunod kung hindi ka lalapit? Ang galing lang. Pinaasa mo ko dun e. Sobra." sabi niya at tuluyang umiyak

"I'm always not sure if you're ready to see me, Maine."

"Wag mo kong gawing tanga Alden. You were out of your car that time. You were out of your damn car, Alden! How was that?"

"I just needed to see you for the last time, that close. Kasi baka matagal na ulit bago maulit."

"You didn't try to go near me? It didn't cross your mind? Talaga ba?"

"N-no."

"You're lying. Kung wala kang balak magpakita sakin, dapat hindi ka na bumaba sa sasakyan. You should have stayed inside your car. And yet you stood there few meters away from me. Few damn meters, Alden. Anong gusto mong isipin ko?! Nangalay ka nang umupo?! Gusto mong makakita ng tao?! ANO?!"

Wala akong masagot sa mga tanong niya.

Hinabol niya ang hininga niya dahil sa pag-iyak. Gusto ko siyang hawakan pero natatakot ako na masaktan ko siya.

"Nasaktan ka ba ni tatay? May sinabi ba sayo si nanay?"

Hindi naman ako sumagot kaya napahilamos siya sa mukha niya sa inis.

"Kasi hindi ko makita kung bakit hindi mo ko nilapitan. I know you, hindi mo ko para puntahan pa at sundan sa airport if you weren't planning to do something."

"Wala, Maine. Halika na. Bumalik na tayo. I don't want to talk about that right now."

"I know you Alden. Tell me! Si tatay? May sinabi ba sayo si tatay?"

"Wala."

"O baka naman si nanay? Anong ginawa ni nanay?"

"Stop it Maine. Ako 'yun. Ako."

"Sagutin mo ko! Pinagbantaan ka ba nila? Pinigilan ka ba nila?"

"Tapos na 'yun, Maine. Let's go back."sabi ko at akmang tatayo na

"Bakit ayaw mo kong sagutin? I think I deserve to know the truth. Paano kita pagkakatiwalaan kung sa bawat tanong ko, hindi mo ko sinasagot. Pati ba naman dun wala parin akong karapatan? Make me understand. Please." sabi niya na parang nagmamakaawa

The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon