Chapter 14 - Nothing Important?

3.3K 164 6
                                    

MAINE'S POV

"Aish. Wala na naiwan na ko. Ang kulit kahit kailan. Payb na payb."

"Ano?!"

"Wala. Now, you tell me. Is this some kind of a trap?"

"Siguro kinausap mo si Coleen o baka naman kaya hindi mo ko pagbabayarin para sumama ako sayo? Which one. You pick."

"Trap? Hell no! At wala talaga. Hindi nga!"

Humarap naman ako sa pagkain sa halip na tingnan siya.

"Maine, bakit mo nga ako iniiwasan?!"

"Hindi nga kita iniiwasan."pamimilit ko

"Dalawang linggo kang wala sa Bulaga."

"Busy ako Alden."pagdadahilan ko.

"Wala kang schedule kapag noontime."giit niya.

Hindi ko naman napigilan ang mapalingon sa kanya. Paano niya nalaman?

"Bakit alam mo?"

"See?"

Naintindihan ko naman na hinuhuli niya lang ako.

"Magulo ako, Alden."

"Anong magulo?"

" I don't know how to deal with you. Mamaya, mabait ako, nakikipagtawanan, parang walang nangyari. Tapos mamaya naman masungit ako, hindi kita kinikibuan. Hindi mo ba napapansin 'yun? I'm becoming very moody and I don't even know why?! You're confusing me."

"So, hindi mo alam kung paano mo ko pakikitunguhan kaya iniiwasan mo na lang ako?"

"Hindi ka ba naguguluhan, Alden?"tanong ko sa kanya

"Hindi."

Tumingin ako sa kanya na parang nagtataka.

"The thing is I know what you are to me. And that's our difference. Ikaw, hindi mo alam kung sino ako sayo."

"Believe me Alden, alam ko. Kaya nga nahihirapan ako."

"How do you want to treat me?"

"Huwag na lang tayo magkita. Huwag na lang kaya tayo magkibuan. It's like we don't know each other at all."

"Huwag naman ganun."sumimangot siya

"Ald---"

"Treat me like how you used to treat me before us happened and I'll take it from there."

"Anong pinagsasabi mong I'll take it from there? Sira ka ba?"tanong ko sa kanya

"It's now up to me to make drastic efforts to bring the feelings back, Maine."

"Alam mo..Alam mo humirit ka pa, ipapalo ko 'tong buto ng bulalo sayo."sabi ko at akmang hahawakan ang buto ng bulalo

"WAG!!"sabi niya at itinakip sa mukha niya ang kamay niya

The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon