A/N: Harot ahead. Please beware. Haha!
Mga PG-13 lang bes, hindi naman SPG. Hindi ko keri 'yun.
MAINE'S POV
After a few minutes lumabas na si Alden sa dressing room at nagsimula na ang photoshoot para sa magazine.
Simple lang naman pala. Hindi naman pala daring. Oh my goodness Meng! What were you expecting? Saan nanggaling 'yung DARING?!
Napapikit naman ako ng marahan. Saan nga ba kasi nanggaling 'yun. Hello, Cosmo? So pag-cosmo ganun agad?!
Kung makasabi naman kasi si Mama Ten kanina ng Revealing One's Self, ibang klase. Revealing One's Self Character pala. Diba? Tama naman akong..what umasa Meng? Seriously? Ang harot mo ah. Napunta ka lang ng New York. Juskopo!
Napansin ko na lang na lumapit sakin si Mama Ten habang nanonood ako.
"Baka naman matunaw Meng."
"Ma, naman e. Nanonood lang ako oh."
"Wag kang mag-alala para sayo talaga 'yan." Sabi ni Mama Ten at tumawa
"Hala! Bakit sakin? Si mama talaga oh. Nakakaloka ka."
"Totoo nga, nagwork out 'yan nang nagwork out sa gym. Baka daw makakita ka sa New York, mahirap na. At Masanay ka daw sa magagandang katawan."
"Ayan ka na naman, Ma e! Ayan ka na naman!"sabi ko habang napapatawa
Totoo naman e, hihirit na naman 'to si Mama Ten.
"Totoo Meng. Baka daw kasi gustuhin mo na 'yung ganoong katawan. Ayawan mo na daw ang marshmallow. Hahaha!"
"Hindi naman po ako ganun."
"So si RJ parin?"
"Ikaw Ma ha? 'Yang mga banat mo. Alam ko na 'yan."
"So wala kang nagustuhan sa New York?"
"Wala akong sinabi Ma."
"Oh my God! May nagustuhan ka sa New York?" sabi ni Mama Ten
Medyo napalakas naman ang boses ni Mama Ten kaya napatingin ako sa paligid. Nakita ko naman na nagtinginan pala ang ibang staff samin. Tumingin ako sa gitna pero wala na si Alden. Next set na pala siya. Nakita ko naman siyang nakatayo malapit samin at nagkatinginan kami. Umiwas ako ng tingin at kinausap si Mama Ten.
BINABASA MO ANG
The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)
RomanceShe loved the ocean because everytime THE WAVES LEFT THE SHORE, they always come back. She loved.. And she refuse to love it now.. Because she can't stop the waves, if only she could learn how to surf.