Chapter 29 - Patiently Waiting

3K 129 17
                                    

MAINE'S POV

Lumabas muna ako saglit para mameet ang ilang fans at mapirmahan ang mga tarpaulin at books pati magazines nila. Maliit lang kasi ang bahay na pinagtutuluyan naming mga hosts pati staff at crew para magkasya sila. Nang makabalik ako, lumapit ako sa upuan kung saan ko iniwan ang gamit ko. Nagulat na lang ako nang may nakita akong bulaklak na nakapatong sa lamesa malapit dun.

Narinig ko na lang na naghiyawan ang lahat.

"Yieeee!"

Napatingin naman ako sa paligid ko at nakita ko silang nakangisi at nakatingin lang sa akin. Tila binabantayan ang susunod kong gagawin. Mabuti lang at tanging ang mga staff and crew pati mga ilang hosts lang ang nandito. Si Kuya Pao lang ang naglakas nang loob na lumapit sa akin para magtanong.

"Hoy Hoy Hoy ano 'yan?!"tinuro naman ni Kuya Pao ang bulaklak na nakalapag sa table malapit sa upuan ko

"Kuya Pao!"sabi ko at winagayway ang kamay ko sa hangin

"Kanino galing?"tanong niya sakin habang binubuksan ko 'yung card na kalakip ng bouquet na binigay para sa akin.

"Uy, uy! Kay Richard!"

"Kuya Pao! Huwag kang maingay!"sabi ko at tinakpan ang bibig niya

"Sus! Bakit may paganito na kayo huh?! Naglilihim na kayo ngayon ganun?"

"What you see is what you get, Kuya."

"Hoy Menggay, huwag mo nga akong dinadaan sa ganyan mo! Kilala ko kayong dalawa! Jusko! Buti na lang nagmaaga ako ngayon!"

Luminga-linga naman ako sa paligid para makita kung dumating na ba si Alden. Diba dapat nandito na siya? Siya ang nagbigay e!

"Uy, hinahanap!"panunukso niya

"Hindi ah!"tanggi ko

"Mababali na nga 'yang leeg mo e! Oh ayan na!"

"Sino?"sabi ko at dinungaw ang pinto

"Si Jose at Wally! Masyado ka naman kasi. Baka pinauna lang 'yan. Nahihiya sayo. Hmmmpp!"kilig na kilig niyang sabi

"Bakit naman siya mahihiya?"nagtatakang tanong ko

"Aba malay ko! Alis muna ako ah. Kumain ka muna kung nagugutom ka."

Nagpaalam saglit si Kuya Pao. Umupo muna ako at tiningnan saglit ang mga bulaklak. Nakita ko namang napatingin sina Kuya Wally at Kuya Jose sa hawak kong bulaklak. Mahina akong tinulak ni Kuya Jose at ngumisi.

Wally: Ajujujuju!

Maine: Wala 'to Kuya! Ano ka ba?

Jose: Walang wala lang, pagdating sayo Meng.

Umalis naman sila dahil pinagtawag sila ni Riza, isa sa mga staff.

"Lungkut-lungkutan lang?"

"Mama Ten!"bigla kong bati nang makita siyang tumabi sa akin

"Bumalik ako sa sasakyan. Naiwan ko 'yung cellphone ko Maine."

Nakita niya naman ang hawak hawak kong bulaklak.

"Pinauna niya na ako para ipadala 'yan sayo. Susunod na lang daw siya."sabi niya

"May problema po ba? Bakit hindi na lang kayo nagsabay?"tanong ko

"Ewan ko nga dun sa batang 'yun. Basta pinadaan niya nalang sa akin 'yung pinareserved niyang bulaklak at dumiretso na daw ako dito."kunot-noo niyang tugon

"Ahh. Ganun--"

"Oh ayan na pala e. Hoy Alden, kanina ka pa iniintay nitong si Meng!"

"Mama Ten!"pananaway ko sa kanya

The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon