Chapter 40 - Audition

1.7K 87 19
                                    

Sumakit ang ulo ko dahil sa ginawa ni Alden sa audition. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magiging proud sa ginawa niya.

"Hindi mo kasi naiintindihan!"inis kong sabi at tinabig ang kamay niya

"Paano ko maiintindihan kung hindi mo sinasabi sakin ang lahat?! Why are you treating me like this? I wouldn't let you go not unless you want me to. Bibitaw lang ako kapag sinabi mo!" galit niyang sabi sakin

"Natatakot ako. Takot na takot ako. Sa sobrang takot, hindi ko na maintindihan ang sarili ko."nangilid ang luha ko sa hindi ko malamang dahilan, hinawakan niyang muli ang kamay ko at mahigpit ang naging kapit niya doon.

Bakit ako naiiyak? This is not part of the script. I should be showing my stronger side.

"Nahihirapan din naman ako, sobrang hirap pero kinakaya ko. Kinakaya ko para sayo, para sa atin. Tulungan mo rin naman ako, kasi hindi ko 'to kaya nang mag-isa, hindi ko 'to kaya ng hindi ka kasama."tuluyan nang lumandas ang luha sa mga mata niya, tuluy-tuloy iyon kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na marahang punasan iyon.

"You don't know what you're talking about Lucas. Mahirap akong mahalin. Bakit mo 'to ginagawa? Bakit?" garalgal na tanong ko sa kanya, tuluyan na ring bumagsak ang luha sa mga mata ko dahil sa tanong na iyon.

"Kasi mahal kita Cassandra!" sigaw niya, marahas niyang pinunasan ang luha niya gamit ang kanyang palad.

"Mahal na mahal kita!"Tuloy niya pa, bigla niya akong inilapit sa dibdib niya upang mayakap.

"Kahit ang sakit sakit na. Please, be with me baby. Please."daing niya at isinubsob niya ang mukha sa aking balikat.

"Ipaglaban mo rin naman ako,please. I need you to fight for me too, Cassandra."marahan niyang bulong sa aking tenga.

Kumalas siya sa pagyakap niya sa akin at nakita ko ang patuloy na pagbagsak ng luha niya sa kanyang mga mata.

Pinunasan kong muli iyon at namalayan ko na lang ang aking sarili na lumuluhang rin. Naramdaman ko ang pagtango ko sa hindi ko malamang dahilan. Hindi kasi iyon kasama sa script.

Napapikit ako ng marahan pagkatapos kong lumayo sa kanya. Hindi ko maitatanggi na hanggang ngayon ay hirap parin akong lumuha sa isang eksena ngunit pagdating kay Alden ay ganoon na lang ako kabilis mapaiyak! Ganoon ko na ba siya kamahal? Masyado akong nadadalala pagdating sa kanya? O marahil hindi maitaanggi ang galing niya sa larangang ito? Na hindi mo maisip kung ano ang arte lamang at hindi?

Ganoon na lang natahimik ang buong lugar na ikinagulat ko. Nakita ko ang bawat isa na mariing nakatitig sa amin at ang iba pa ay nakabuka pa ang mga bibig, hindi ko malaman kung saan ba sila nagulat. Kumabog ang dibdib ko at pakiramdam ko ay kasama rin ako sa nag-auaudition sa araw na iyon. Nagulat na lang ako ng makarinig ako ng sigaw at sunud-sunod na irit at palakpak.

"Waaahhh!! Sheeett! Iba parin ang Aldub!"tili ng isang babae

"That's what you call chemistry!"sigaw nung isa

"Hindi ko alam na fan parin pala ako! Nakakaiyak."maluha-luhang sabi niya sa kasama

"Iba 'yung sakit at kilig pinagsabay, kapag sila talaga!"

Narinig ko ang sari-sari nilang pahayag sa ginawa namin at hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galak sa aking puso.

Tumungo ako upang makaiwas ng tingin. Nahiya sa mga natamong papuri. Akala ko talaga ay hindi nila nagustuhan.

Tumingin ako kay Alden at kumindat lang ito sa akin habang masayang ngumingiti. May mga butil pa ng luha sa kanyang mga mata.

Muli akong pumikit. Dinarama ko ang tibok ng aking puso. And there I felt it. After so many years, I still wish him to be my leading man. That comfort, peace, grace, and confidence I am feeling when I'm working with him. It's still there. Walang nagbago. Kahit lumipas na ang matagal na panahon, siya parin ang hinahanap ko, siya parin ang nais na maging katuwang ko sa industriyang ito. Siya parin ang sagot upang mapakalma ako. Siya parin at siya lang. He's so ideal that I silently wished they would choose him.

The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon