MAINE'S POV
Papunta naman sa dressing room si Mama Ten at kasunod niya ako.
"Ma, dito na lang ako sa labas maghihintay. Labas ka na lang kapag okay ka na. I will be fine."sabi ko at umatras ng kaunti
"Ito naman nahiya pa, akala mo naman hindi pa nakikita ang katawan ni Alden."panloloko niya sakin habang natatawa
"Haynako Ma, noon 'yon. Iba na po ngayon. Sige na po. Don't rush, I'll be fine here."sabi ko sa kanya at ngumiti
Pumasok na naman si Mama Ten sa loob at naupo naman ako sa isang gilid, nagpapicture ang ibang staff at crew sa akin at pumayag naman ako. Nakipagkwentuhan ako sa iba sa kanila. Umupo naman ako sa isang tabi nang naging busy na sila sa pag-oorganize para sa shoot nang may biglang tumabi sakin.
"Hi, Ms. Maine Mendoza, I'm Jake Fuentabella. One---"
"Maine, pinapatawag ka ni Mama Ten sa loob."rinig ko namang tawag sa akin
Nang tiningnan ko mula sa tagiliran ko kung sino ito, nakita ko si Alden na nakatitig sakin.
"Huh, okay. I'm sorry. I need to go. It was nice meeting you." Sabi ko at nakipagkamay sa kanya
"Same here."sabi niya at ngumiti sakin
Umalis na ako at pumasok sa loob ng dressing room ni Alden. Nakaayos na naman siya nang tiningnan ko mula sa peripheral vision ko.
"Ma, pinapatawag mo daw ako?"
"Huh?, hindi naman ah."
"Huh, sabi ni A-alden e? Tinawag ako sa labas."
"Ahh, oo. Oo nga. Dito ka na muna kasi, marami mga tao dun."
"Si Mama talaga oh. Kaya ko na po ang sarili ko."
"Oh nasaan na ba tayo kanina?"
"Po?"
"Dun sa pinag-uusapan natin. Ahhh, oo dun sa pagiging selosa mo."
"Grabe Ma. Hindi naman ako selosa. Alam mo 'yan. Kahit madami lumalapit kay Alden noon, kebs lang. HAHAHA! Ganda ko e!" sabi ko at tumawa tawa
"Sus, hindi daw. E ano 'yung nangyari noon sa una nyong teleserye sa GMA na Destined to be yours?"
Naalala ko naman ang tinutukoy ni Mama Ten na nangyari noon sa scene ng DTBY.
FLASHBACK
Nakaupo na kami ngayong apat nina Juancho, ako, si Alden at si Thea Para sa shooting namin ng isang scene sa DTBY. Nasa loob kami ng isang chinese restaurant at magkatapatan. Katabi ko si Juancho habang katabi naman ni Alden si Thea.
"ACTION!"Rinig kong sigaw ni Direk
Naging maayos naman ang pagdeliver namin ng lines at pag-arte pero bago matapos ang scene, nagulat na lang ako nang saktong humarap si Alden kay Thea at hinalikan niya ito sa labi.
BINABASA MO ANG
The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)
Lãng mạnShe loved the ocean because everytime THE WAVES LEFT THE SHORE, they always come back. She loved.. And she refuse to love it now.. Because she can't stop the waves, if only she could learn how to surf.