Chapter 43 - His Words and Stares

1.9K 79 14
                                    

I looked myself at the mirror and smiled half-heartedly. It's already 10:00 and minutes from now, I'll be expecting someone to pick me up. I don't know what has gotten in to me, but I'm feeling anxious. Ang kaba na bumabalot sa dibdib ko ay hindi ko alam kung galing saan. Nakaayos na ako at handa nang umalis, hinihintay ko na lamang ang pagdating niya. I am having second thoughts and I don't know why. I made up my mind weeks ago, that's why I hate to feel this way. I sighed upon realizing how I come up with this decision.

From: Unknown Number

Hi Maine. This is Justin. Sorry if I had to ask for your number from Coleen. I just don't know how to contact you. I was just hoping if you could let me know when our actual date will be? No pressure. Feel free to text me. I'll be waiting. Thank you!

Hindi ko maiwasan ang magulat nang unang makita ang mensahe galing sa kanya. Sa paglipas nang araw, nawala na ito sa isip ko. Bumuntung-hininga ako at nag-isip nang mabiti. Nagset ako ng date kung kailan ako pwede ngunit sa sobrang busy ko, sa isang natatanging araw ko lang naisingit iyon, at wala na akong magagawa. I texted him to inform him the scheduled date.

This is the consequences of my actions that I have to bear. Sinabi ko noon sa emcee na makikipagdate ako sa kung sinuman ang manalo, matapos kong makita na sumali si Alden sa laro. And I actually paid him a certain amount to make sure that it's gonna be Alden. Hindi ko naman naisip na sasali siya ngunit wala naman palang balak manalo! Kung ganoon, para saan pa iyon? Para ba maging sabik ako lalo sa kanya?! Dahil hindi ko maintindihan!

Nalungkot noon ang host at sinabi pa sa akin na huwag na lang siyang bayaran dahil hindi niya naman nagawa ang iniutos ko, ngunit nagpumilit parin ako. Nakita ko naman ang pagsusumikap niya na maipanalo ni Alden iyon sadya lamang ayaw nung isa.

"Nakakainis talaga 'yang jowa mo ah! Gravity! Kulang na lang ako na magbigay nung garter sa kanya! Kung hindi mo lang mahal 'yun! Jinombag ko na nang bongga! Napurnada ang kilig ko!"marahan niyang ipinadyak ang isang paa at humalukipkip.

Lihim akong tumawa sa naging reaksyon niya. Hindi ko maitatanggi na natutuwa ako dahil kahit paano pala ay may kinikilig parin sa aning dalawa.

"Hayaan mo na, sorry din talaga."pag-aalo ko sa kanya at hinawakan ang braso niya.

"Alam mo bang hinintay ko rin ang tamang panahon ninyo? Gosh! Teka lumalabas pagkafaney ko! Nagkandastress pa ako nung nasa ibang bansa ka at kung sino-sino ang nalilink sayo! Sakit sa ulo kahit gaano pa sila kagwapo! Pakiramdam ko lovelife ko ang lovelife mo! Why don't you guys just get married already! I mean kayong dalawa ah, hindi sa iba!"mabilis niyang hinawakan ang sentido niya at itinuro ako.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. I know we still have some avid fans who are patiently waiting for any updates regarding our relationships but I've never realized it is this overwhelming hearing directly from a fan face to face!

Natahimik ako at tinitigan ko lang siya, hinihintay na ipagpatuloy ang sinimulan. Lumabi ako at mukhang napansin niya ang pagkagulat ko sa sinabi niya kaya bumuntung-hininga na lamang ito.

"I'm sorry, I didn't mean to pressure you or something. I'm just happy that somehow, nagiging maayos na ulit kayo? Or am I hallucinating? Hindi ka naman siguro magbabayad sa akin kung wala diba?"hinawakan niya rin ang braso ko at unti-unti nang kumalma mula sa outburst niya kanina.

"We are okay."tipid kong sagot at tumango.

"Okay? Okay as friends or as more than friends?"tinaasan niya ako ng kilay at ngumiti ng palihim.

The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon