Chapter 19 - This Time

3.4K 165 22
                                    

MAINE'S POV

Nandito ako ngayon sa Siren Studios para sa aking photoshoot. Kakarating lang namin kani-kanina lang. Hindi pa naman nagsisimula kaya pwede pa kaming magpahinga. Maaga kasi kaming dumating kesa sa mismong call time. Galing pa kasi akong Bulacan kaya maaga na akong nagpahatid kay tatay kasi hindi ko rin maestimate ang oras, baka malate pa ko at matraffic kaya minabuti ko nang magmaaga.

Umupo muna ako sa isang tabi habang hindi pa kumpleto ang ang staff at crew. Wala parin naman sina Sir Juan at Mam Celeste kaya pwede pa akong magpasandal-sandal lang kung saan. Tumawa ako nang palihim.

Dapat kasi hindi ngayon ito, inilapit lang ngayon kasi mas maganda daw na magkaroon na ng mga photos para kung sakaling may revisions or idadagdag hindi magahol sa oras. Buti na lang maaga akong tinawagan ni Ayi kaya nagising din agad ako at nakaalis.

Kinuha ko ang phone ko at nagbrowse muna sa net. Hindi na ako pumunta sa social media accounts ko, ayoko munang makita kung anuman ang naroon, baka may makita pa akong mga nega comments or photos namin ni Alden noon o bago man, wala pa akong panahon para mag-isip kung paano ko ihahandle ang sitwasyon. Saka ko na lang muna iintindihin ang mga iyon.

Makalipas ang ilang oras, ibinalik ko na sa bag ko ang phone ko pero nakita ko naman doon ang isang envelope. Dito ko pala nilagay ito kagabi.


FLASHBACK

"Kaya ko nga susubukan. Lalaban ako Maine. Sana ganoon ka rin. I hope you're willing to give us a try. Sana, Maine. Uwi na ko, nakakatakot ang mga sinasabi mo." sabi niya at tumayo na at hinawakan saglit ang kamay ko

Hindi ko naman nagawang tingnan ang ibinigay niya, nakatingin parin ako sa kanya habang akma na siyang paalis.

Tinitigan ko lang ang mata niya na para akong naghahanap ng mga sagot sa mga tanong ko sa aking isipan.

"Bakit ganyan ka?" pagtatakang tanong ko

Totoo naman. Bakit talaga siya ganyan? Sinusubukan ko naman ah, iniiwasan ko siya, binabara ko siya pero bakit naman kasi ganoon? Lagi na lang kaming pinagtatagpo? Kailangan ko ba talaga siyang saktan para lang tumigil na siya? Hihintayin niya ba 'yun?

Nilingon niya naman ako bago siya nagsalita. Hindi ko alam pero parang may nakita akong saya sa mga mata niya kaya hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko.

"May nakapagsabi kasi sakin noon na, 'Do more of whatever makes you happy'."

Tumigil siya sandali bago nagpatuloy habang nakatuon parin ang tingin sa aking mga mata.

"And that girl, that girl alone could make me happy.."sabi niya

Napayuko ako sandali bago tumunghay.

Ako ba 'yun? Sakin lang ba nanggaling 'yun o may iba pa?

Naramdaman ko ang kanyang pagbuntung- hininga bago nagpatuloy.

"Damn happy. I just hope she knows that." sabi niya at tuluyan nang umalis

Dahan-dahan akong yumuko.

Hindi ko alam, Alden. Kung ako man 'yun, hindi ko talaga alam.

Dahil ngayon, hindi na ako naniniwala. I don't believe you. I chose not to.

I may have seen you smile and laugh all the time you were with me, but it doesn't mean, I was making you happy. It doesn't work that way. I came to realize that.

The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon