A/N: Please watch the video above, I really love the song, and I know you do. You may skip this chapter if you want for it would possibly make you cry and hurt you at the same time.
MAINE'S POV
"Bakit hindi mo sa akin sinabi? Bakit?"sabi niya at tumulo ang luha niya
What the hell are you talking about Alden?
"Teka nga! Teka!"pigil ko at mabilis kong inalis ang kamay niya na nakakapit sa bewang ko
Nakita ko naman siya na nakatayo parin sa harap ko at namumugto ang mata.
Agad kong kinuha ang kape at lumayo sa kanya. Pumunta ako sa may bar counter at umupo sa isang upuan. Naningkit ang mata ko nang sumunod siya sa akin at lumapit na muli.
Kinuha ko ulit ang kape at pumunta sa living area para hindi niya na ako sundan pa.
Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya nang umalis ako. Nang makaupo ako at tumingin sa kanya nakita kong lumalapit muli siya sa kinaroroonan ko.
"Hoy ano ba! Ang creepy mo ah! Ang lawak ng bahay, jusko!"sabi ko habang natatawa
"Bakit ka ba sunod nang sunod diyan? Atsaka bakit ka nandito?"Tanong ko sa kanya at sumimsim sa kape ko
"Dyan ka na lang. Huwag ka nang lalapit."banta ko sa kanya
Nagulat ako nang tumigil siya at tumango. Nagtaka naman ako at agad siyang sumunod sa sinabi ko. Napansin ko ang malungkot at namumugto niyang mga mata.
Ang aga aga tapos nandito 'to? Tapos ganyan ang mata? Naglasing ba 'to kagabi?
"Hoy Faulkerson! Sabihin mo nga sa akin. Naglasing ka ba kagabi? Tsaka bakit ganyan ang mata mo?"hindi siya sumagot hanggang makarating ulit ako sa kitchen
"Naku naman! May hangover ka rin ano? Para kang bata diyan na mawawalan ng nanay sa kakasunod mo sa akin."
Lumapit ulit siya sa akin nang nasa kitchen ako at nagtitimpla ng kape. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin pero hindi ko na lang pinansin.
"Hoy Alden, alam kong gusto mo akong makita, wala namang kaso dun. Hindi mo talaga 'yan mapipigilan."payo ko sa kanya habang natatawa
Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa akin. Ibinigay ko sa kanya ang tasa ng kape na hawak ko.
"Oh, inumin mo. Para mawala rin 'yang hangover mo. Kaya lang kasi next time, ipahinga mo na lang 'yan, okay? Hindi nakakawala ng hangover ang kagandahan ko, okay? Ewan ko ba naman kasi sayo, lalasing lasing ka rin tapos dito ka magpapahinga e may bahay ka namang iyo."
"Gagaya ka pa sakin, mabuti na lang talaga, mabuti na lang talaga inuwi ako ni Coleen kasi kung hindi dun pa ako nagkalat sa bridal sho---"
"I hope this still works."
Nanlaki ang mata ko nang hinalikan niya ako bigla.
"I miss you."bigla niyang sabi nang matapos ang halik
Parang nagflashback lahat ng nangyari sa akin kagabi. Mula sa pagsubdo sa akin ng kaibigan ni Coleen hanggang sa paghalik ko at paghahatid niya sa akin sa condo at ang mga sinabi kong kabaliwan na dapat ako lamang ang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)
RomanceShe loved the ocean because everytime THE WAVES LEFT THE SHORE, they always come back. She loved.. And she refuse to love it now.. Because she can't stop the waves, if only she could learn how to surf.