CHAPTER 17 - The Truth Behind the Lie

3.3K 155 15
                                    

Advance Merry Christmas! Stay happy and love MaiChard.

Sorry medyo mahaba ang A/N.

------------------------------

MAINE'S POV

"Ikaw, bakit mo kinausap si tatay? What is it this time?"

Bigla namang ipinark ni Alden ang sasakyan. Tumingin ako sa labas at nakita ko na nandito na pala kami sa building ko.

"Next time na lang. Sige, salamat."sabi ko at lumabas na

"Ingat ka, Maine."

"Sige. Salamat ulit sa paghatid."

Bumaba na ako sa kotse niya nang makarating ako sa unit ko. Nakareceive naman ako kanina ng message galing kay Tatay at pinapupunta nila ako sa Bulacan. Pinagga-Grab naman ako nina nanay at nang hindi daw ako mapilitan umuwi mamayang hatinggabi. Ihahatid na lang daw ako pauwi kinabukasan.

Sinesenyasan ko naman siya na umalis na bago ako pumasok nang building. Nang nakita ko naman siyang umalis na ay naghintay na ako sa nabook kong Grab. Lumipas ang 30 mins. at pumarada na sa harapan ko ang sasakyan na binook ko. Papasok na sana ako pero nagulat ako nang may humila sa kamay ko.

"Alden? Anong ginagawa mo dito? Diba, umuwi ka na diba?" gulat kong sabi sa kanya

"Saan ka pupunta? Magagabi na ah."seryoso niyang tanong

Nakita ko naman ang pagkakunot ng noo niya.

"Hilo ka ba? 5:30 pa lang oh. Anong gabi ka dyan?"

"Kaya nga kita inuwi nang maaga para makapagpahinga ka na."pagdadahilan niya

Kinausap niya saglit 'yung driver at nagulat na lang ako nang bigla nang umalis yung sasakyan. Akala ko may hinabilin lang siya.

"Hoy! Anong ginawa mo? Binook ko 'yun!"sabi ko at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko

"Okay na 'yun. Pupunta ka daw Bulacan? Halika na, ipagdadrive na kita."

"Ayoko. Kaya ko na ang sarili ko."pagmamatigas ko at lumayo na sa kanya

"Meng, huwag nang makulit. Hindi ka makakaalis dito at makakapunta dun nang hindi ako kasama."

"Magdadrive na lang ako."

"Kung dun nga sa Grab hindi kita pinayagan, magdrive pa?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kung dun nga sa Grab hindi kita pinayagan, magdrive pa?"

"Hoy Mr. Alden Richards, lagi akong nagdadrive kahit nung tayo pa."

The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon