"Anong ginagawa natin dito?"nakakunot noo niyang tanong
"Ayaw mo bang sumama? Ano? Dito ka na lang sa labas?"
"Huh? Hindi! Sasama na!"mabilis niyang tugon at lumapit sa akin
Dahan-dahan kaming pumasok sa restaurant na hindi gumagawa ng anumang ingay. Mabuti na lang at nakatago ang mga mukha namin at maraming tao sa bandang unahan nito kaya hindi kami napansin.
Pumunta kami doon sa extension ng restaurant kung saan mabibilang lang ang tao pati ang tables dito. Tago kasi ito at may isa pang sliding door na papasukan. Dito kasi niya dinadala ang mga kaibigan niya na kapwa artista.
Katulad na lang ngayon. Ngumiti ako nang mapakla nang namataan ng mata ko silang dalawa na nakaupo sa malapit sa salamin at magkatapatan habang nag-uusap. Nakatalikod ito sa akin habang nakaharap naman sa direksyon ko ang babae. Hindi niya ako napansin dahil abala ito sa pagtitig sa katapat na lalaki.
"Baliw! Umupo na tayo. Hindi mamamatay ang mga 'yan sa tingin mo."bulong sa akin ni Sheena at hinila ako papunta sa isang table hindi kalayuan sa kanila
"So alam mo palang narito si Alden at 'yung babae?"mahina niyang sabi nang makaupo kami
Oo tama ang rinig nyo. Nandito kami sa Conchas ni Sheena na pagmamay-ari ni Alden. At kung bakit kami nandito? Hindi ko alam, tanungin nyo si Alden baka alam niya.
"Nag-aya kang maglunch tapos hindi pala pagkain ang sasadyain natin, tao pala. Mangangain ka pala ng tao."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Nandito tayo para kumain, ano bang sinasabi mo?"
"Jusko Meng! Ang daming restaurant, dito mo pa talaga napili? Huwag mong sabihing naghihirap si Alden kaya kailangan mong ipatronize ang business niya? Sasabunutan kita."
"Bahala ka sa gusto mong isipin."
"Sus. Mas maganda ka kay Bella."
"Belle. Anong Bella ka dyan?!"tumaas ang kilay ko sa kanya
"Huli! Alam na alam! Sinasabi ko na nga ba e! Naiinsecure ka sa bruhang 'yun? Puro naman dibdib at pwet!"sabi niya at tinuro-turo 'yung babae nasa table hindi kalayuan sa amin.
"Actually maganda siya, magandang bold star."kumpirma niya
"Tumigil ka nga! Baka may makarinig sayo!"saway ko at pinalo siya
"Eh ano naman ngayon? Totoo naman! Tiwala kang papatusin ni Alden 'yan?"ngumuso siya at umiling-iling
"Wala akong sinabi."
"Hay naku Meng! Kung ganyan katindi ang selos mo, pabuntis ka na dun sa tao! Pinapahirapan mo pa buhay mo, pwede ka naman dun sa madali!"
"Sira ka talaga! Tsaka hindi ako nagseselos ano!"pinanlakihan ko siya ng mata lumalakas kasi ang boses niya
"Eh anong ginagawa natin dito? Tigil tigilan mo ko Nicomaine Mendoza ah!"
Napalingon ako sa gawi nila at nakita kong mahinang hinampas nung babae si Alden sa braso nito at tumawa.
"Ano, kaya pa? Masokista ka ano?"napalingon ako kay Sheena at umiwas ng tingin
BINABASA MO ANG
The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)
RomanceShe loved the ocean because everytime THE WAVES LEFT THE SHORE, they always come back. She loved.. And she refuse to love it now.. Because she can't stop the waves, if only she could learn how to surf.