---
Di niya alam na pinagmamasdan ko siya.
Natural lang sa mga single na babae na maghanap ng mga poging lalake that they would want to be their Mr. Right.
That day, I was a single girl looking at a student boy that I saw for the first time.
Sabihin man nilang makerengkeng tayo at that time, aminin niyo mga single jan, you've done it several times.
Di ko nilalahat.
Di siya gaanong kagwapuhan, pero aaminin ko na na-attract ako sa mala Kpop na ayos ng buhok niya at sa calm attitude niya habang nakikinig ng music sa phone niya. He was just a simple boy. Di maporma bukod sa maayos na pagkakalagay ng gel or wax (whatever it is) sa buhok niya. Di siya mukang gangster or jejemon. Kung tutuusin, napakaayos at ang linis niyang tingnan. To tell you the truth, my first impression is a 'Mama's boy'.
It lasted for about a minute when he finally said, "Para!"
Kakasakay ko lang ng jeep pero pababa na siya agad? Tch.e
Tiningnan ko kung sa'n siya bumaba and it was a small technical college in our place. Malapit lang sa kantong binababaan ko ng tricycle.
How I wish I could see that boy again or makasabay uli sa jeep.
I never knew then, it was a Fated Boundary.

BINABASA MO ANG
Fated
Teen FictionSa buhay natin, di natin alam kung kailan darating ang pag-ibig. Minsan magugulat ka nalang nandyan na pala sa tabi mo. It is very unpredictable. You'll never know when its time, although sometimes, it acts on the right moment. The happiest part? Yo...