Ang hirap din pala ng duty + school.
Almost 4 months na kong school-work-bahay + 4 hours of sleep.
Nakakaloka -3-
Pero kahit ganon, regular na kame. Halos lahat ng ka-batch ko, nakasama. Ang saya saya! :)
Nasa school ako ngayon with my classmate, Angel. Oo, siya rin ang classmate/bestfriend ko nung high school. Kahit saan ata magkasama kame. Sinabi ko na rin sa kanya yung about sa sakit ko a few months ago.
Nagulat din siya. Parang wala naman daw eh. Di naman halata na may sakit ako sa puso. Napagsasabay ko pa daw kasi ang pagwowork at school.
"Kamusta ka na? Tae ka. Buti kinakaya mong pagsabayin yang work at studies mo." sabi niya habang kumakain kami ng burger na buy 1 take 1 sa may canteen.
"Mahirap. Pero masaya. Tsaka no choice naman ako. Walang magpapaaral sakin."
"Hmm. Eh panu yan, Finals na naman. Baka alanganin na naman yang grade mo."
"Di yan. Kaya ko yan." Sa totoo lang, nagaalala rin talaga ko. Di ko nga alam kung pano ko makakapagreview eh.
"Sure ka ha. Sapakin kita eh. Lagi ka na lang ganyan. May duty ka ba?"
"Oo eh. After ng last subject. Closer ule. Bakit?"
"Ah. Wala, wala." Para siyang nagtatampong ewan.
After class, diretso alis agad ako. Di na ko nagpaalam, malelate na kasi ako. Sa jeep na ko naglagay ng make-up at nag-ayos.
Isa't kalahating oras din ang byahe kaya natulog muna ko. Automatic namang tumutunog ang body clock ko kapag bababa na.
---
*Kyle's POV*
Hay...
Closing na naman.
Pa-in na kame ng mga kasabay ko. Habang naghihintay, nagaasaran muna kame ng mga kasabay ko.
"Uy pre, yung pwet mo nakaharang sa daan!" sabi ni Jaypee sakin.
"Ul*l! Buti nga may pwet, ikaw butas lang!"
HAHAHAHAHAHA!
Nagaasaran pa rin kami ng biglang dumating si Gem. Parang humaharurot na sasakyan sa sobrang bilis magpa-check.
"Hi Gem!" bati ni Jaypee.
"Hi!" sabi niya habang natataranta na tumakbo at umakyat sa taas ng crew room.
"Sunget!" sigaw ni jaypee.
"Gag*! Late na kasi. Bobo talaga neto!" sabi naman ni Neil na katropa rin namin.
"Uy, anung oras na?! Baka ma-late tayo! Ang iingay niyo eh!" sigaw naman ni Mea, isa sa mga kaibigan ni Gem.
"5 minutes pa." sabi ko naman sa kanya.
Pumunta siya sa may hagdanan at sumigaw, "Gem! Bilisan mo, 5 minutes na lang!"
Pagkasigaw nun, nagpunta siya ulit samin. "San ba nagaaral yun si Gem?" Tanong ko pagbalik niya.
"Sa PUP."
"Ah kaya pala, muntikan na ma-late." sabay naman ni Leyla.
Nagulat kami nang bumaba na si Gem. Ang bilis niya magayos. Powder, blush at lipstick lang ang nilagay niya pero ang cute niya pa rin. Samahan pa ng cute na cute na uniform namin.
"Parang naririnig ko yung pangalan ko." bungad niya.
"Bakit may tenga ka ba sa pader?" pangaasar ni Jana.
"Tangek, maingay lang talaga kayo."
Sabay tawanan.
"Oy, lakas niyo tumawa! malelate na kayo!" sigaw samin ni Ma'am RC.
Agad-agad kaming nag-in at inassign sa kanya kanyang duty.
Sa sobrang dami ng tao ngayon dahil Friday at araw ng sahod eh, di na namin magawang magtawanan.
Pagod ang lahat. Kamote na rin kami sa pagko-close.
Buti na lang may mga kenkoy akong kasama kanina kaya di ako naboring.
Tahimik lang akong naglilinis sa bin kaya narinig kong nag-uusap yung mga babae sa counter at lobby.
Si ate Maan ang nasa counter kausap si Jana.
"Te Maan, ba't ayaw mo naman kay Gem? Ang bait kaya niyan."
Nakunot lang ang noo ni Ate Maan at sumimangot. Nasa harap lang nila si Gem at talagang narinig niya yung sinabi ni Jana pero parang lamesa lang siya kung pagusapan ng dalawa.
"Wala lang. Ayoko sa kanya. Naiinis ako sa kanya."
Kitang-kita naman sa mukha ni Gem ang pagkadismaya.
"Bakit ba Gem, anu bang ginawa mo kay Ate Maan?" Tanong naman ni Jana kay Gem na nagwawalis.
Tinigil ni Gem ang ginagawa niya at tumingin kay Ate Maan papunta kay Jana. "Alam mo Jana, wala akong ginagawa. Ngayon nag-sorry na ko sa kanya. Kaya lang wala naman akong magagawa kung ayaw niya saken. Di ko ipipilit yung sarili ko sa taong ayaw saken."
"Oooohh." yun lang ang nasabi ni Jana.
Nagpunta na sa likod si Gem at tinuloy ang ginagawa niya.
Bakas naman sa mukha ni Ate Maan na tinamaan siya sa mga salita ni Gem.
"Buti nga! Ayaw mo kay Gem pero wala namang dahilan para ayawan mo siya! HAHAHAHA." sa isip-isip ko. Napahanga lang ako kay Gem. Ang tapang niya.
---
Wala lang?! Dahilan ba yun para ayawan ang isang tao?! iniisip ko habang tinatapos kong labhan ang mophead.
Sa sobrang inis ko, nilayasan ko yung dalawa. Naku.
Pagkatapos naming lahat, isa-isa nang nag-out. Di ako matingnan ni Ate Maan at di ko rin siya pinapansin. Bahala siya kung anung gusto niyang isipin. Nauna na kong magpaalam.
"Gem! Sabay na tayo!" rinig kong sabi ni Kyle sabay habol sakin sa baba.
"Oh, magkaiba tayo ng way. Adik."
"Okay lang yan. Palabas lang naman eh." nakangiti niyang sabi.
"Tss. Bahala ka."
"Nga pala, galing mo kanina!"
"Hmmm... San?"
"Yung pagsagot mo kay Maan! Nagulat ako! Tiplad siya eh."
"Aaahh... Wala yun. Tama lang naman sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko."
"Oo nga eh. Good Work! HAHAHAHA"
"Tss." napangiti lang din ako.
Paglabas namin. Tinawid niya muna ko at hinintay na makasakay. Pagtapos ay nagpaalam na rin ako.
"Kahit saang lugar, maraming aayaw sa'yo. Ang gawin mo lang, yun alam mong tama. Di mo sila kailangan ayawan. Tandaan mo, di ka nila katulad at magkaiba kayo. Di mo kailangan maghintay para gustuhin ka nila. Ikaw ang maghanap ng taong magugustuhan mo at magugustuhan ka.
'Wag na 'wag mong ipipilit ang sarili mo sa kanila. Yun ang pinakamalaking kasalanan at katangahan na gagawin mo sa sarili mo."
-CHAPTER 10/end-

BINABASA MO ANG
Fated
Fiksyen RemajaSa buhay natin, di natin alam kung kailan darating ang pag-ibig. Minsan magugulat ka nalang nandyan na pala sa tabi mo. It is very unpredictable. You'll never know when its time, although sometimes, it acts on the right moment. The happiest part? Yo...