Chapter 20

3 0 0
                                    

Paglipas ng ilang araw, di ko na maiwasan ang intriga ng mga katrabaho ko lalo na ang paulit-ulit nilang tanong.

"Nanliligaw ba sa'yo si Kyle?"

"Kayo na ba ni Kyle?"

"Kelan pa naging kayo?"

Halos lahat sila kinikilig samin. Maging 'tong si JL na akala kong magagalit sakin, e mukang siya pa ang pasimuno nila.

"Ayiee... sweet sweet niyo ni Kyle kagabi. May pahatid-hatid pang nalalaman!" pang-aasar niya habang naglilinis kami sa counter.

Closer kami and how I wish matapos na 'tong ginagawa namin para maiwasan ko na ang intriga.

"Di ka ba talaga galit?" tanong ko sa kanya habang nagwa-wash ng parts ng sundae machine.

"Di no! Ba't naman?" Sabi niya bigla habang nagaayos ng mga stocks namin.

"E kasi di ba, crush mo siya? Tas alam mo na..."

"Ay sus, e di ba sabi ko sa'yo magpaparaya ako. Ano ka ba? Dami daming lalaki sa mundo no. Tsaka it's too clear that he likes you. Heller!" lumapit pa siya sakin para lang iemphasize ang 'HE LIKES YOU.'

Nginusuan niya ko at nagpunta sa likod para magwash ng gagamitin naming mop.

"Crush... Tapos ka na?" bungad naman nitong si Kyle na nasa kitchen.

'Crush' pa rin ang tawag niya sakin. Yun din siguro ang dahilan kung bakit ang bilis kumalat ng balita na nililigawan niya ko.

"Yup. Malapit na kaming matapos."

Nginitian niya lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa niya.

We both try to act normally like the usual. Walang ilangan, whatsoever.

Yun ang pinagusapan namin kapag hinahatid niya ko pauwi.

Syempre, he was always his 'sweet' persona kapag kaming dalawa na lang. Nandyan yung bigla-biglang manyayakap, then hahawakan ang kamay ko.

But I'm far more intrigue how I would feel if he kiss me. Parang sinisikmura ako just by that thought but I can't help to be curious.

He accompanied me home. Di mawala ang kilig ng mga workmates namin at the same time ang tanong nila na "Kelan mo ba sasagutin si Kyle?"

Parang nape-pressure ako na ewan. Samantalang si Kyle, nginingitian lang sila.

Hinatid niya ko at nagpaalam sa mga magulang ko. Sabi niya medyo natatakot daw siya kay Papa pero sabi ko naman, ganun lang talaga yun.

I bid him goodbye and wait 'till his shadow was gone before I went inside.

---

It's a tuesday afternoon and there's a lot of blessings today.

Aalis na si Papa, they already got the confirmation and date.

Si Mama naman, may work na as a cook in a small elementary school.

My two brothers will be staying in our house for good.

And me, I was just promoted yesterday as a CREW CHIEF. Yup, I'm finally a trainor.

Closer ako today. Naghihintay lang kami ng mga kasabay ko sa may gilid ng store. They were congratulating me all over again.

I'm very thankful that the issue between me and Kyle diverted.

"Galing, galing mo naman Ate Gem."

"Congrats Gem! You deserve it!"

"Naks. Crew Chief!"

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon