Chapter 5

20 0 0
                                    

Di ako pumasok. Nag-ayos lamang ako para pumunta sa doctor para ipabasa ang medical ko for College Admission next week. Pumunta muna akong computer shop para gumawa ng resume.

Pagkatapos kong gumawa, dali-dali akong lumarga at pumunta sa ospital. Dun hinanap ko ang doktor na pwedeng bumasa.

Hinatid ako ng nurse sa labas ng pinto ng doktor. "Mam, hintayin niyo lang po na tawagin kayo."

"Ah. sige. Salamat ha."

Nginitian niya ko sabay alis.

Lucci C. David, MD
General  Physician

Nakita kong plaka sa may pinto.

"Ms. Gemmerry De Leon..." sabi ng malumanay na boses ng babae na sumundo sakin. "Pasok ka na po."

Secretary ata ng doctor. Sumunod ako sa kanya at sinara ko ang pinto pagkapasok. Naramdaman ko ang sobrang lamig sa loob. Ganito pala kapag nasa ospital.

"Upo ka iha." sabi ng isang gwapong doktor sa harapan ko. Kamukha niya si Zoren Legaspi at kahit may family picture siya sa kanyang lamesa, mukhang binata pa rin siya. "Can I see the x-ray, please?"

"Ahh... eto po." nahihiya kong sagot sa kanya habang inaabot ang resulta. Para kasing nakakatunaw yung mga ngiti niya at tingin.

"Mmm. Maayos naman ang kuha sa x-ray mo. Nagpa-physical examination ka na ba?" tanong niya.

"Di pa po eh. Teka, may bayad po ba yun?"

"Ah. Haha. Para sa'yo? Wala na..." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Kung tutuusin kasi, wala talaga akong kapera-pera bukod sa dala kong ipon at pamasahe. Hangga't maaari ayokong galawin ang ipon ko. "May history ba kayo ng sakit sa puso, hika, pulmonia or any other serious cases?"

"Di ko po alam eh..." mahina kong sagot.

"Ah sige... Allow me ha. Steady ka lang jan."

Lumapit siya sakin. Gamit ang stethoscope, pinakinggan niya ang dibdib ko. Medyo nakunot ang noo niya. "Wait, hija. Relax ka lang. Normal breathing."

I did as I'm told. Nakunot pa rin ang noo niya at pagtapos i-examine, bumalik na siya sa pagkakaupo. "Hija, may nakwento ba mommy mo noong nagbubuntis sya sayo?"

"Ah, eh... Wala naman po siyang nakwento sakin." nagtataka ako at mejo kinabahan.

"Ganun ba... Do you experience shortness of breath or difficulty in breathing?"

"Ahh... minsan po. Lalo na pag tumatakbo. Mga 10 meters lang po siguro, hingal na ko. Tapos pag umaakyak po ng building, nahihirapan na po akong huminga." pagpapaliwanag ko.

"Ang totoo niyan hija. May loud murmur akong narinig sa puso mo. Pero it's just a hinge. Para makasiguro tayo, you'll have to take a laboratory."

Parang binaril ako sa utak sa mga narinig ko sa kanya. Nalungkot ako at the same time kinabahan ako at natakot. Kung kelan naman madaming problema, may nadagdag pa.

I gave the doctor a false smile and stutter, "Uhmm. A-Anu pong gagawun ko?"

"Kailangan nating malaman kung anong nangyayare sa puso no at kung san nanggagaling ang murmur ba ito. Asan nga pala ang Mama mo or any guardian?"

"U-uhmmm... busy po kasi sila ngayon. May trabaho po. Kaya ako lang ang nandito." pagpapaliwananag ko. May halong kaba at takot. Paano ko na matutulungan sina Mama kung may sakit ako? Medyo nangingilid ang luha ko pero pinigilan ko.

"You'll need a 2d-echo. Kailangan ko sanang makausap ang parents mo tungkol dito pero sige, I'll explain." sabi niya habang nagsusulat. "Medyo mahal ito hija, I believe nasa 4k ito sa Heart Center but this is the best way to know if my guess is right and, it will also help you to know your condition more.

Hindi kita tinatakot, pero karamihan sa mga may ganitong sakit kinakailangang maoperahan. Umaabot yon ng almost half a million or more lalo na pag seryoso na. You'll need to inform your parents at magpasama ka sa kanila." Pagpapaliwanag niya at inabot niya sa akin ang papel.

Kinuha ko pero masyado akong speechless para sumagot sa kanya. "A-ano... ano po yung mga bawal kong gawin for the meantime?"

"Hmm... 'Wag kang magpapapagod, hija. 'Wag kang gagawa muna ng mga gawain that will let you experience a short-breath or difficulty in breathing. We will learn more once na makapagpa-2d echo ka. Any question?"

"uhmm, wala na po." mahina kong sagot.

Umalis akong tahimik. Di ako makapagisip ng maayos nung araw na yon. Magkahalong inis, kaba at takot ang nararamdaman ko. Nangingilid pa rin ang luha ko, pero hangga't maari pinigilan ko. Kailangan ko pang magpasa ng resume. Desidido na ko. Kailangan kong gawin 'to kundi pati pag-aaral ko maaapektuhan.

I have 3 resume and 3 2x2 pic in hand. Nagpasa ako sa mga pinakamalapit na fastfood chain sa lugar namin. Mas maganda mas malapit.

Kakayanin ko 'to. Kailangan ko 'to. Para ito kina Mama. Ayokong maging pabigat dahil lang sa may sakit ako.

When I got home, wala na namang tao. I already expected this. Naupo ako sa sofa at chineck ko ang messages sa phone.

1:12pm

5 messages received

From: Angel

ui... asan ka na?

From: Kiss

Gem, ba't wala ka pa?

From: Clay

Ba't di ka napasok?

From: Iris

Gem... Ate's here! musta?

From: Dennis

May sakit ka ba? Uminom ka kagad ng gamot ha. Magpahinga ka. Wala naman kaming masyadong ginawa. Nagpraktis lang. Ingat ka palagi. :>

Seeing this messages made the tears fell freely in my eyes. Nahihiya ako at nasasaktan. I'm totally a useless idiot. Wala akong magawa. Naupo lang ako sa sofa at nagmukmok ng parang bata.

Kinimkim ko lahat ng nararamdaman kong sakit. Wala akong pinagsabihan.

Magisa.

Walang Kasama.

Malungkot.

...pagsubok ba talaga 'to o parusa?

My belief started to waver. My spirit was already crushing. Konting good news, pagkatapos non puro bad news na.

What did I do to deserve all of this?

I repeated that question all over again until I got tired and slept a dreamless dream in the afternoon.

-CHAPTER 5/end-

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon