Chapter 16

5 0 0
                                    

Mama text me to get home as soon as possible. Di na kami nakakain ni Kyle.

Tinawid niya lang uli ako at hinintay na makasakay.

"Bye, crush!" sigaw niya.

"Bye, ingat!"

This man is one of my bestfriends. Ever since that day that I told him about my condition, di nagbago ang trato niya sakin.

He just acts normal nang parang wala akong sinabi sa kanya.

Kapag nagpapatulong ako, dun niya lang ako tutulungan. Di siya yung taong napa-frantic agad agad kapag may ginagawa akong mabigat which is what I don't like people to treat me.

Di naman ako baldado.

Di rin naman malala sakit ko.

That's why, it's good to have a friend like him.

When I got home, sinalubong ako ni mama. Nakangiti at maaliwalas ang kanyang mukha.

"Ma, ano yun? Ba't parang ang saya mo ngayon?"

"Nak, magandang balita." sabi niya, nakangiti pa rin.

"¹ sabay abot sa kanya ng binili ko.

"Kinontak si Papa mo ng foreman niya sa Saudi, hinahanap na daw siya nung employer nila." nakangiti niyang binalita. "Aalis na siya next month. Pinapa-renew lang lahat ng papeles niya."

"Sure na ba yan?" pagdududa ko.

"Oo nak. Ako mismo nakausap ng foreman niya."

"Buti naman."

"Kaya lang..." bigla siyang nalungkot.

"O bakit?"

"Pinapaalis na tayo dito."

"Na naman? Anu na namang sabi nung bruhang anak ng may-ari dito?" Kada buwan na lang kasi ganon, nagbabayad naman kami ng maayos.

"May bago na daw titira dito, nakapagdown na daw ng 3 months." paliwanag ni mama.

Mukhang pera ang anak ng kumpare ni Papa. Feeling niya siya na ang may-ari. Yung kumpare naman ni Papa, kinokonsinti lang ang anak.

"Nako, mukhang pera siya kamo!" nilakasan ko talaga ang sagot ko para marinig sa kabila.

"May nahanap na kong bahay, pumayag naman na 1 month lang muna ihulog natin." sabi ni Mama.

Naiinis pa rin ako sa ginawa ng bruhilda na yon. Hintayin lang niya, nako. Makakaalis din kami rito.

"Sige ma. Sa salary, ihulog mo na yung pang 1 month. Malaki-laki naman ang sahod ko." tinatapik-tapik ko siya sa balikat. "Yaan mo Ma, makakaraos din tayo."

Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko.

"Kain ka na Ma, lalamig pa 'to eh."

Salary day in a blink of an eye.

And as promised, I gave it all to my Mama. Tinulungan rin kami ni Tita Cath na nasa Canada para maayos na ni Papa yung mga papeles niya.

It's like an all-in-one blessing

Nakalipat kame eventually.

It's just a small house pero may sarili kaming gate, as in Solo namin.

Kahit maliit yon, you can call it a home.

Nag-leave ako ng one week para matulungan ko si Mama at Papa sa pag-aayos. Nagpunta rin ang mga kapatid ko para tumulong. We were together once again.

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon