Chapter 1

22 1 0
                                    

(A week before Graduation)

Monday

*8am*

We were at the Gym practicing for our graduation march. Nakakaloka ang init at malagkit na pawis na nanunuot hanggang sa kaduluduluhan ng singit ko.

Para kaming mga sardinas na pinilit ipinagkasya sa isang maliit na lalagyan. We were currently practicing our song for our parents and seriously, Napakataas ng tono.

"Fly! Fly! Flyyyyyyyy...!"

Halos pumiyok na lahat sabay tawanan. Wala nang pasensya ang aming Music teacher na si Ginang Merced.

"Ba naman 'tong si madam! Siya kaya dito sa pwesto natin! Arte arte, kala mo maganda!" sabi nang nasa unahan ko na si Angel.

Tumawa ako sabay sabing, "Anu ka ba? e kayang kaya niyang kantahin yan. Kaya nga music teacher eh."

"Tao ako. Tao. Alam ko music teacher yan! Kaya lang ang init kaya! Tapos bawal pa lumabas para uminom ng tubig. Jusko naman!"

"Tch." Binaling na muli niya ang kanyang tingin sa unahan at nagsimula na ulit kaming kumanta.

Si Angel David ang bestfriend a.k.a bully kong friend. Prangka siya and she'll tell you every bit of her thoughts of you whether it's good or bad. Pero eto ang pinakagusto ko sa kanya, di siya plastic at totoo siyang kaibigan.

*11am*

"Ok, pumila na nang maayos! All of you can have your break. Go back to your rooms." sigaw ni Mrs. Merced sa unahan.

"Yohoo!" sabay-sabay na sabi ng mga estudyante.

"Gem! Angel!" Pagkalabas namin ni Angel, dali dali kaming sinalubong ng tatlo pa naming kaibigan na si Kiss, Clay and Iris.

"Grabe. Napaos ako sa kaka-Flyyyyy na yan!" reklamo ni Iris. Siya ang pinakamaliit sa amin at pinakamatanda. Matured na siya mag-isip pero mukang bata pa siya sa amin. Tinuturing namin siyang ate.

"Nako sabi mo pa! Halos maglatik na ko sa loob!" iling naman nitong si Angel.

"Alam niyo, bumili na tayo ng pagkain. Gutom na ko!" sabat naman ni Kiss.

"Oo nga! Kaso tingnan niyo naman, parang mga patay gutom schoolmates natin! Pati ba naman sa canteen, magsisiksikan!" sabi ni Clay habang sumisingit kami sa paborito naming foodstand na malapit lang sa building namin.

"Oi Gem, congrats pala!" singit ni Iris habang tahimik kaming kumakain.

"Hmm. sa'n?" pagtataka ko.

"Hahaha. Basta. Mamaya iaanounce yun!" pang-aasar naman ni Kiss.

Tiningnan ko sila isa-isa na tila nang-aasar. Lahat sila nagbubulungan at nakangiting nakatingin sa'kin.

"Ay grabe naman kayo! Di nga, anu yun?"

"HAHAHAHA." sabay-sabay nilang pagtawa.

Di ko maipagkakaila magtampo, parang ni-left out na naman nila ko. Pero di na ko nagsalita at tahimik na inubos ang pagkain ko.

"Gem, maghintay ka lang. Promise. Matutuwa ka!" Nakangiting sabi ng katabi kong si Clay sabay tapik sa likod ko.

*Bell Rings*

Room 305.

*11:30am*

Pagpasok na pagpasok ni Sir Mercado, sabay-sabay kaming tumayo at binati siya.

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon