"Una na kami, gem gem!" sigaw ni Tintin. Kasama niya si JL, pupunta daw sila sa perya.
Since di naman ako pwedeng magperya, pinauna ko na nga sila.
Naiwan kami ni Kyle sa taas.
Hanggang ngayon nagbibilang pa rin sina Ma'am Thess at Sir Jeff.
"Ma'am, baba na po kami ha."
"Uy, hintayin niyo kami ni sir ha." sabi ni Ma'am habang nagbibilang.
"Sige po!" masigla namang sagot nitong si Kyle.
No choice. Maghihintay din ako.
Pagbaba namin, wala kaming nakita ni isang crew. As in. Naiwan kami don.
"Hala! Tayo na lang?!"
"Tae! Mabigat pa naman 'tong roll-up." reklamo ni Kyle.
"Asan kaya sila?"
"Aba malay."
Kinuha ko agad ang cellphone ko para itext si JL. Si Kyle naman, naupo lang sa may tabi ng roll-up. Ginaya ko siya dahil pagod na rin ako.
"Text mo naman sina PJ kung nasan sila." sabi ko sa kanya.
Tumingin lang siya sakin sabay sabing, "Wala akong CP."
"Weh?" Oo nga pala. Ngayon ko lang din napansin na PSP lang ang dala niya palagi. Akala ko di lang niya dinadala yung CP niya.
"Oo nga." nag-action pa siya ng 'wala pose'. Pagkatapos non, sumandal lang siya. "De, joke. Nasa bahay. Di ko lang dinadala. Si Mama gumagamit."
"Tss. Kala ko wala talaga."
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Naglakad sa harap ko at umupo.
Nakaupo kaming magkaharap sa isa't isa. Nakangiti siya pero parang nahihiya.
"Hmm, Gem. Date tayo?"
Nagulat lang ako sa sinabi niya. At bigla akong natawa."Weh? Haha. Seryoso?"
"Oo. Yung tayo lang." nahihiya siya pero nakangiti pa rin.
Hinawakan niya ang kamay ko. Feeling ko niloloko lang niya ko kaya nakisakay na lang ako.
"Saan naman?"
Parang di siya mapakali habang sumasagot, "Ikaw bahala. Kahit saang gusto mo sa ibang mall, o di kaya dito"
Nag-isip ako kunware. "Libre mo ko?"
"Oo nga, kaya nga date eh." sabay sabi niya na parang bata na humihingi ng pabor sa Mama niya.
*vibrate*
Biglang nag-vibrate yung phone kaya naputol yung kunwaring holding hands namin.
"Sino yan?" Dali-dali niyang kinuha yung phone at siya ng nagbasa.
"Uy, sino yan?"
"Si JL."
"Ansabe?"
"O." sabay abot ng phone na parang bata.
Binasa ko.
Nandito kami sa perya kasama yung closing team. May nasirang ride dito. Buti na lang di pa kami nakasakay.Nakauwi ka na?
Grabe. Lahat sila nandon? Tas iniwan kami dito?
Magaling.
Di ako nagreply. Napatingin lang ako kay Kyle na kasalukuyang nagkukutkot ng kuko niya.
"Lahat pala sila nag-perya." sabi ko.
Tumingin siya sakin na painosente, "Ba't di ka sumama?"
"As if naman makakasakay ako don, di ba? Gagawin lang nila akong taga-bitbit ng mga bag nila."
Natawa siya. "Ay, oo nga pala."
"Kelan?"
"Alin?"
"Yung sinasabi mo kanina."
"Bakit, papayag ka ba?"
Napaisip ako. Papayag nga ba ko? Hmmm...
"Oo naman, libre mo eh."
---
Pumayag siya!
Sakto naman pagbaba nina Ma'am Thess at Sur Jeff.
"Oh, ba't kayo na lang? Nasan na yung iba?" usisa ni Ma'am.
"Oy, nagde-date pa kayo dito! Sarado na mall!" singit naman ni Jeff.
"Date? Bakit kayo ba? Ayieee..." sabi ni Ma'am. Nakangiti ng parang clown.
"Hindi mam, iniwan lang nila kame. Nagpunta sila sa perya eh." depensa ko.
"Ahh..." napangiti siya, "Buti na lang di niyo kami iniwan."
Tinulungan ko si Jeff na isara ang roll-up.
Di pa rin ako makapaniwala na pumayag si Gem sa alok ko. Tahimik lang kami hanggang sa makalabas. Tanging sina Ma'am lang ang nag-uusap.
Natutuwa ako, deep inside.
"Gem, Kyle. Una na kami ni sir ha." paalam ni Ma'am Thess.
"Sige po, Ma'am."
"Bye po!" sabi naman ni Gem.
Nakaalis na sila at kaming dalawa na lang ang naiwan.
"Kyle..." tumingin siya sakin na parang may kailangan.
"Oh?"
"Tawid mo naman ako" sinabi niya yon na parang nagmamakaawa.
Napatawa ako. "Ay sus, kala ko kung ano."
Hinawakan ko uli ang kamay niya. Di siya nagreklamo at sumunod lang sakin habang tumatawid kami.
"Salamat!" nakangiti niyang sabi.
"Oy! Sa salary ha!"
"Huh?! Bakit?!"
Hala! Kinalimutan agad?
"Yung ano, yung date?" sabi ko habang nagkakamot ng ulo.
"Ahhh... hahaha. Oo ba! Libre mo ko ha!" tinapik niya ko sa balikat.
"Sige!"
Hinintay ko siyang sumakay bago ako tumawid uli. Tumingin siya sa bintana ng jeep para magpaalam sakin.
---
"Ang True Love, di minamadali yan.
Yung iba kahit matanda na, hinahanap pa rin yan.
E pano, di naman kasi yan hinahanap yon. Kusang dadating yan.
Minsan kasi, naghahanap ka sa malayo. Yun pala, nasa harap mo lang.
Matutong maghintay.
Kaya nga True Love eh. Kapag wala, magtaka-taka ka na.
'Wag masyadong reckless, tingnan mo yung mga nadidisgrasya. Sumaya ba?
Take time to realize what your life is worth.
You'll never know when will it come, but when it does, be sure to make yourself and your heart READY."
-CHAPTER 17/end-
BINABASA MO ANG
Fated
Teen FictionSa buhay natin, di natin alam kung kailan darating ang pag-ibig. Minsan magugulat ka nalang nandyan na pala sa tabi mo. It is very unpredictable. You'll never know when its time, although sometimes, it acts on the right moment. The happiest part? Yo...