I met a new bestfriend in the name of JL.
A girl having problems like mine.
When she had problems regarding her family, sakin siya palaging tumatakbo at lagi ko rin naman siyang kino-comfort.
Other than my batchmates, siya palagi ang kasabay ko umuwe at sa bawat oras na kasabay ko siya, we never had a silent moment.
We also talk about boys, sagot niya palagi ang kwento. About sa K-Pop na crush niya, sa kaklase niya sa school, sa bagong labas na kanta, sa mga bagong palabas sa tv, mga bagong movies and even actors like Mario Maurer which is her Super Crush.
One time, kakaout lang namin, napagusapan namin ang mga crush namin sa store.
"Pogi si PJ noh?" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami sa exit ng mall. Closing na kasi yon kaya sarado na ang entrances. PJ is her batchmate. Chubby face yon pero may braces sa ngipin.
Napaisip ng konte at ngumiti, "Oo, pero mas pogi si Kuya JJ para sakin!" Kuya JJ is our trainor in grill. Napakapogi nga naman non at bukod sa sobrang napakabait e napakagaling din. Kahit nakapikit, kabisado niya lahat ng parts ng grill even its equipment.
"HAHA. Sabagay, tama ka jan! Ultimate idol ko yun eh!"
"Pero may crush talaga ko jan eh." sabi niya bigla na parang nagde-daydream.
"Sino? Kala ko ba si Kuya JJ lang?"
"HAHAHA. Iba yun syempre. Sayo na si Kuya JJ."
"Lande! Sinu nga? HAHAHA" pangungulit ko habang pababa na kami sa hagdan.
"Si Kyle."
That sudden awkward feeling strike me.
"Nye, bakit naman?"
"Pogi naman si Kyle, di ba? I-try mo minsan, habang tinititigan mo siya ng matagal, lalo siyang pumopogi." sabi pa niya habang may action.
I imagined it at narealize kong tama siya.
"Nga pala, bakit tinatawag ka niyang crush ha?!" sabi niya na may kunwaring irap.
"Napagtripan lang namin yon! Walang ibang meaning yon!" pagdedepensa ko sa sarili ko.
"Talaga ha?"
"Oo."
"Uy, wag kang maingay ha. Sating dalawa lang, ok?"
"Yup. I'll zipper my mouth." I smiled at her.
We suddenly shift the convo on Kyle to her family. Patawid na kami pareho.
"Gem, balak ko pala munang maglayas samin. Di ko na kaya eh."
"Huh?! Bakit? Anyare na naman sa bahay niyo?"
Unlike me, her parents always argue and her father is always drunk. Sabi pa nga niya, minsan daw tumitira rin ng bawal na gamot kasama ng mga tiyuhin niya and those uncle of hers belong to some grouonof goons.
"Pag umuuwi kasi ako palagi, si Papa parang baliw. Alam naman niyang labasan na yon sa store kaso ang iniisip niya nakikipagkita lang ako sa lalake. E wala nga akong boyfriend!"
I felt sorry for her. My father never suspect me like that.
"E anung ginagawa sayo pag umuuwi ka?"
"Binubugbog. Si mama naman parang bulag, masyadong martir kay papa. Di niya man lang ako mapagtanggol."
"Hala! E pano ngayon gabi na? Samin ka kaya muna." I openly offered our house. Kahit maliit lang yon, pwede kaming magtabi sa upper bunk ng double deck.
"Kapag siguro ginawa niya ngayon yun, lalaban na ko. Okay lang ba sa inyo muna ko?" she said it like silently pleading. I would do everything just to help her. Makita na niya lahat ng kalagayan namin, di naman kami nagkakalayo ng problema sa isa't isa.
"Oo, walang problema. Sasabihin ko kay mama. Papayag agad yun." I assured her while tapping her shoulder. Nasa jeep na kami pauwe.
"Salamat Gem ha. Pa-hug nga!" sabi niya ng nakangiti sabay hug ng mahigpit. Ginantihan ko rin siya ng hug.
Mabilis lang ang byahe ko kaya nauuna akong bumaba sa kanya. "Ui bes ha, sabihan mo ko agad kung samin ka matutulog. Text mo ko. Susunduin kita."
"Salamat bes! Ingat ka ha!" sigaw niya sa bintana ng jeep.
"Ingat ka din."
While walking to home, na-realize kong di lang ako ang may problema.
Halos lahat ng tao meron. Iba-iba pero pare-pareho ang epekto.
Maswerte pa rin ako. Nag-flash sa utak ko na may mga batang kalye, mga pulube, ulila at mga taong iniwan ng sariling pamilya.
Napakaswerte ko.
May pamilya ako.
May mga kaibigan.
At higit sa lahat, buhay ako.
There's always a chance to solve our problems.
Nawala man sakin ang opportunity na makapagaral, na-realize kong di pa huli ang lahat.
---
"Walang edad na pinipili sa pag-aaral. Kahit nga matanda na nagsisikap pa ring makapagtapos.
Pero kung may chance ka at nandyan pa ang opportunity, Please lang, 'wag mong sayangin.
May mga taong gustong mag-aral pero dahil sa hirap ng buhay, di nila magawa.
Paulit-ulit din itong bukambibig ng mga magulang natin na karaniwang nababalewala.
Pero kung susundin mo sila, sa tingin mo, mawawalan ka ba?"
-CHAPTER 14/end-

BINABASA MO ANG
Fated
Genç KurguSa buhay natin, di natin alam kung kailan darating ang pag-ibig. Minsan magugulat ka nalang nandyan na pala sa tabi mo. It is very unpredictable. You'll never know when its time, although sometimes, it acts on the right moment. The happiest part? Yo...