*12nn*
Nakalock ang pinto ng bahay. Buti na lang may spare key akong dala. Siguro na kina Mami yung dalawa kong kapatid.
Si Mami ay tiyahin ng aming Papa, tumataying taga-gabay namin kapag wala sila.
Si Papa naman... Hays, actually I have no idea where he would go.
Kadarating lang niya galing abroad, may one month na siya dito. At sa sobrang miss niya ang Pilipinas, di namin mapigilan ni Mama na umalis at dumayo kung saan-saan.
Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sakin ang tambak na hugasan at taob na mga kawali. Napakadumi din ng sahig.
Pagpunta ko naman sa kwarto, bumalandra ang kalat kalat na damit at magulong higaan.
Nagpalit ako kagad ng pambahay at ibinaba sa kama ang aking mga gamit. Sinimulan kong maglinis kahit kumakalam na ang tiyan ko. May oras pa naman mamaya pag natapos ako.
Halos tatlong oras din bago ako natapos. Tinapos ko na rin ang labahan para mamaya di na mahirapan si Mama. Nakalimutan ko na ang gutom sa sobrang pagod. Nahiga ako at di ko na namalayan na nakatulog ako.
*TOK! TOK! TOK!*
Malakas na kalampag ang gumising sakin. Di ko na namalayan ang oras. Pagkatingin ko sa bintana, madilim na.
*TOK! TOK! TOK!*
"Sandale!"
"Naku nak! Bilisan mo na!"
Dali-dali akong tumayo pagkarinig sa boses ni Mama. "Ma, sorry. Akin na yan." sabay kuha sa mga dala niyang gamit at pagkalapag sa mesa, nag-bless ako sa kanya.
"Asan Papa mo tsaka mga kapatid mo?" malumanay niyang tanong.
"Si Rouie tsaka Jona, baka na kina Mami. Si Papa... di ko alam. Pagdating ko nakalock yung pinto eh." pagpapaliwanag ko. Di ko na sinabi yung tungkol sa maduming bahay.
"Ma, ba't ngayon ka lang? di ba dapat hanggang hapon ka lang?" paguurirat ko.
"Nag-overtime ako, nak. Sayang kasi. Maaga kong natapos yung kota ko sa mga tahi kaya dinagdagan ko. Di ko na namalayan ang oras."
Nagtatrabaho si Mama bilang trimmer sa isang factory ng pantalon malapit samin. Marunong din siyang manahi kaya lang wala siyang sariling makina.
Hangga't maari dadagdagan niya ang kota niya, sayang daw kasi. Pandagdag man lang sa mga gastusin sa bahay lalo na ngayon na tambay si Papa dito. Wala pang tiyak na araw kung kelan siya babalik sa abroad.
"Hello sweetheart!" bungad ng Papa ko habang nagluluto si Mama at ako naman, naghihiwa ng mga panahog.
"Sa'n ka na naman lumarga?" tanong ni Mama habang nilalambing siya ni Papa.
"Naaya lang akong mag tong-its nina pareng Roy."
"Naku, nagwaldas ka na naman ng pera. Alalahanin mo, di mo pa alam kung kelan ka aalis uli. Kailangan nating magtipid." pagpapaalala ni Mama.
"Yes, Darling. Don't worry. Eto pala o, nanalo ako ng konti." sabay abot ng pera kay Mama. "Anung ulam?"
"Mag-popochero ako. Magbihis ka nga dun. Ang baho mo na!"
"Hi baby. Kelan graduation mo?" tanong niya sakin habang nakangiti ng parang lasing.
"Next Monday." sagot ko habang pinagpapatuloy ang paghiwa.
"Ah. good, good... HAHAHA!" sabay alis at pumunta sa kwarto.
Gabi na nang dumating ang dalawa kong kapatid. Si Rouie ang sumunod sakin at si Jona naman ang bunso naming kapatid. Tama ang hinala ko na nagpunta nga sila sa aming lola.
"O kumain na kayo." sabi ni Mama.
"Kumain na kami, Ma." sagot ni Rouie.
---
*12md*
Naalimpungatan ako sa sobrang tuyot na lalamunan. Papunta na ko sa kusina nang mapansin kong bukas pa ang ilaw. Naguusap sina Mama at Papa. Nakinig lang ako ng tahumik sa isang tabi.
"Pa, paano ba tayo niyan. Tatlong buwan lang ang advance ko sa bahay. Kelan ba talaga ang alis mo." pag-aalala ni Mama.
"Ma, yung totoo kasi niyan nag-exit ako sa pinagtatrabahuan ko sa Saudi. May kontak kasi akong natanggap galing Qatar. Kaso nandito ang agency kaya umuwi ako para ayusin." pagpapaliwanag ni Papa.
"O anung sabe?"
"Maghintay lang daw. Don't worry, Ma. Malaki ang kita dun. Tiis-tiis lang muna tayo."
"Mauubos na yung pera sa savings. Alalahanin mo, magka-college na si Gem."
"Wag ka mag-alala. Magsa-sideline muna ko sa mga kakilala ko sa munisipyo para may pandagdag tayo."
Tumayo na sila at pupunta sa kwarto. Dali-dali akong tumakbo at tahimik na bumalik sa higaan. Di ko alam may problema pala sila. Hinintay ko munang makatulog sila bago ako bumalik sa kusina at uminom ng tubig.
Pagkabalik ko sa higaan, I closed my eyes and started to pray.
...Lord, tulungan mo po kami ng pamilya ko. Sana matulungan ko sina Mama.
After that, I drifted to a long dream.
-CHAPTER 2/end-

BINABASA MO ANG
Fated
أدب المراهقينSa buhay natin, di natin alam kung kailan darating ang pag-ibig. Minsan magugulat ka nalang nandyan na pala sa tabi mo. It is very unpredictable. You'll never know when its time, although sometimes, it acts on the right moment. The happiest part? Yo...