Feeling ko talaga binibiro lang ako ni Kyle about sa date na sinasabi niya.
Not until he approached me again and asked about it, "Oy Gem. Anu na?! Tara na! Sakto wala tayong duty ngayon!" Sabay kaming kumuha ng salary non, sakto pa kung kailan di ako nakisabay sa releasing kahapon.
Nagulat ako nung una. Akala ko kung anung pinagsasabi niya. "Huh?! Anu yon?!" Napiyok pa ko sa sobrang taas ng tono.
"Yung date!" sabi niya. Parang bata kung makapangulet.
"Weh? Seryoso ka nga?!" sabi ko habang naglalakad kami palabas. Di ko napansin na iniwan na kami ng mga kasama namin.
"Oo nga. Tara na!" sabay hila sa kamay ko. At dahil sa malaki ang mga biyas niya, ang lalaki ng hakbang niya, halos hingalin ako pasakay ng bus.
"Tae! Ambilis mo namang maglakad!" sabi ko habang hinahabol ang hininga ko. Nakaupo na kami. Sa may bandang gitnang upuan na pandalawahan lang. Pinaupo niya ko sa may bintana.
"Hayy. Ang sarap dito." sabi niya sabay sandal sa balikat ko.
"Oy anu ba? Parang tanga naman 'to!" ginalaw ko yung balikat ko para alisin niya ang ulo niya.
"Aray naman! Naalog yung utak ko ha." Hinawakan niya yung balikat ko ini-steady. "Steady ka lang. Matutulog ako! 'Wag kang malikot!" sabay pikit ng mata habang nakangiti.
Hays!
Wala akong magawa. Na-lock ako sa may bandang bintana.
"Oy," sabi ko sa kanya habang sinusundot yung pisngi niya. "Oy,"
"Hmmm,"
"Oy,oy."
"Hmmm,"
"Oy, yung konduktor naniningil na!"
Gulat na gulat siya na dumilat at hinarap niya agad ang konduktor. "Magkano po hanggang duti?" Natataranta niyang tanong.
Natawa lang ako ng tahimik. Nakakatuwa kasi yung expression niya kung kayo ang nasa kalagayan ko.
"36," sabi ng konduktor.
"Huh?! 36 isa?" napasigaw siya.
"Gagi, dalawa na tayo non. Adik ka ba?" sabi ko bigla. Nagulat kasi yung mga pasahero sa katapat ng upuan.
"Ah, hehe... Sorry, Manong."
Napailing lang ng ulo si Manong. Natatawa pa rin ako sa gilid.
"Oy, anung tinatawa-tawa mo dyan ha?!" sabay kiliti. Nakita pala niya.
"Tama na! Sorry, sorry na. Okay." Paulit-ulit kong sinabi.
Umirap pa siya sabay hawak sa braso ko at sumandal muli sa balikat ko.
"Ulitin mo nga yung irap." sabi ko. Di ko pa rin mapigilan yung tawa.
"Tss. Hahalikan kita dyan. Manahimik ka na ha." seryoso niyang sabi.
Pagkarinig ko nun, dali-dali naman akong tumahimik at tumingin sa bintana.
---
Sa wakas, tumahimik rin. Piste kasi yung konduktor eh, di sinabi agad na pandalawang tao na pala yun.
Malay ko ba?!
"Gem..." sabi ko habang nakasandal pa rin sa balikat niya. Mukha akong bata na nakapalupot sa nanay niya pero okay lang. Ang sarap sa pakiramdam eh.
"Hmmm..." sabi niya, natingin pa rin siya sa bintana nang sinilip ko siya.
"Anung tingin mo saken?"
"Sa'yo? Hmmm. Mabait, makulet, ano pa ba--"
"Hindi, hindi yun."
"E ano?"
"Ayst. Pano ba? Hmmm..." Napahawak ako sa baba ko habang nagiisip. "hmmm. Bilang boyfriend... Yun! Yun nga! Anong tingin mo sakin bilang boyfriend?"
Nakatingin lang siya sakin. She just wore her innocent expression. "Hmm... Okay lang."
Sabay tango at muling tumingin sa bintana.
Okay lang?!
"Okay lang?!"
"Hm." Tumango siya. "Bakit, anu ba dapat?"
Napaisip ako sa tanong niya. Anu nga ba dapat?
"E ikaw mismo, anung tingin mo sakin?"
Parang naconfuse siya. Nataas pa ang kilay niya. "Ha?!"
"Ayst." Napakamot na lang ako ng ulo. Di ko talaga alam kung paano ko sasabihin sa kanya.
Humarap na siya sakin at kinotongan ako. "Aray!"
"Liwanagin mo kase! Anu ba yon?"
"Pwede ba kong manligaw?!" Aw shet! Nasabi ko! Dahil talaga 'to sa kotong niya eh.
Tumingin ako sa expression niya. Nagulat siya nung una pero bigla na lang siyang nalungkot.
"Bakit?"
Nagulat ako sa tanong niya. "Ha?"
"Bakit?" Tumingin siya sakin. "Bakit gusto mong manligaw?"
Napaisip ako. "Kase..." Seryoso ang mukha niya. Di ko talaga alam ang sasabihin ko. "Gusto kita. Seryoso. Sapat na ba yun?"
"Bakit mo ko gusto?"
Tumingin lang ako sa kanya. Nagulat ako ng binatukan niya ko. "Bakit nga?!"
Napatayo ako sa sobrang sakit at napakamot ss ulo. "Syempre! e gusto nga kita! Kailangan ba may dahilan para magustuhan ang isang tao?!"
Ay pota! Napalakas ata ako ng sigaw.
Pagtingin ko naman sa mga pasahero, busy sila. Mukhang di naman nila ako narinig.
Back to Gem's expression...
She was... Smiling.
---
"Kapag nagmahal ka, di kailangan ng dahilan.
Pinaparamdam yon. Hindi yon nakikita kahit kelan.
Ang puso ang nagmamahal, hindi ang mata."
-CHAPTER 18/end-
BINABASA MO ANG
Fated
Novela JuvenilSa buhay natin, di natin alam kung kailan darating ang pag-ibig. Minsan magugulat ka nalang nandyan na pala sa tabi mo. It is very unpredictable. You'll never know when its time, although sometimes, it acts on the right moment. The happiest part? Yo...
