Back to Gem's expression...
She was... Smiling.
Sakto namang sigaw ng konduktor, "Paramount! Paramount!"
Tumayo na siya at hinila ako, "Tara na!"
Nakangiti siya. Hawak pa rin niya ang kamay ko pagbaba ng bus. Tatanggalin niya na sana, pero hinigpitan ko yung hawak ko sa kanya.
Di siya nagsalita. We just smiled with each other.
"Samahan mo ko." sabi niya bigla. Nasa loob na kami ng mall.
"Sa'n?"
"Sa grocery. May bibilhin lang ako."
"Sige, nuod tayo ng movie ha."
"Okay."
Shet. Parang girlfriend ko na siya. Nakakatuwa. Magkaholding-hands pa rin kami papasok ng grocery store.
---
Ehem!
Pasintabi lang po.
Kinikilig lang po ako.
Bumili na ako ng mga personal things that I'll need. Feminine wash, pads, pabango, powder, blush-on, lipstick, etc.
Habang naghahanap ng kulang, tanong siya ng tanong ng 'Anu to?' at 'Panu to gamitin?'.
"Tsk!" Pagtingin ko hawak niya ang feminine wash. "Akin na yan!"
"Para sa'n yan?" painosente niyang tanong.
"O basahin mo." pinabasa ko sa kanya.
"Oh. HAHAHAHA! May ganyan pala?" Tawa siya ng tawa.
"Bakit? Di ka ba naghuhugas ng 'ano' mo?" Tae. Ang awkward.
"Naghuhugas. Pero sabon lang tsaka pagpag!" sinabi niya yon ng parang wala lang. As in.
"Yuck!"
"Anung yuck dun? Lalaki naman ako." Cool na cool niya lang na sinasabi yon.
Natawa lang ako. Napaka-honest niyang tao. Halata naman. Wala siyang tinatago.
"Wala ka bang bibilhin?" tanong ko sa kanya. Nakuha ko na lahat ng mga binili ko.
"Ay, oo nga pala!" Napalingon ako sa kanya. "San ba dito ang wax?"
"Wax?! Yung para sa sahig?"
"Tangek, hair wax. Hindi yung pansahig. Grabe ka naman, mukha bang bunot ang buhok ko?!"
Natawa lang ako sa reaksyon niya. "Tara, dito yun."
Dinala ko siya kung saan makikita yung hinahanap niya. Pagkakuha niya, dinala niya yung cart.
Nagpunta kami sa mga snacks and junkfood. Dumampot siya ng malalaking piatos, nova at chippy.
Pagkatapos non, kumuha rin siya ng drinks. Kukunin niya sana yung maaking sprite kaya lang pinigilan ko. Heller! Baka di na kami makapasok sa sinehan.
Ang kwela pala niya kasama. Nakakatuwa.
Walang dull moments. As in.
Merong times na mauuna siya tas bigla na lang hihinto kaya nababangga ako sa likod niya. Meron din yung tumitingkayad siya kahit sobrang tangkad na niya.
At marami pang iba.
Nanuod kami ng showing moview noon na hitik sa manunuod.
Kain lang siya ng kain ng tsitsirya kahit di pa nagsisimula ang movie, sinusubuan niya rin ako. Parang may "kami" na.
Kaya lang...
Iniisip ko pa rin kung anong sasabihin ni JL. Patay na naman ako neto.
---
Habang nilalabanan ng bida ang kontrabida, eto namang katabi ko, tili ng tili na parang bata.
Pero cute pa ein.
Bawat action sa movie, nagre-react rin siya.
May tatawa, iiyak, magugulat, matatakot, titili at higit sa lahat, ang pagngiti ng parang aso. Seriously.
HAHAHAHA!
De, joke. 'Wag niyo kong isumbong ha. Maganda naman kasi talaga. Actually, matagal ko ng nababalitaan 'tong movie na 'to. Nagulat lang ako na ang kasama ko ay isang 'Super Fan'.
How I wish ako na lang ang bida, sagutin niya kaya ako agad non?
I laughed at the thought.
"Aw, tapus na!" sabi niyang parang bata na di satisfied sa sariling laruan.
"Oo tapus na! Kaya halika na, gutom na ko!" hiniwakan ko kagad ang kamay niya pagtayo namin. Hinigpitan ko para di siya makawala.
"Uy wait, CR lang ako."
Bumitaw ako. "Bilisan mo ha!" at naghintay lang ako sa labas.
Umabot ng 15 minutes. Naiinip na ko, nagugutom pa. Pero paglabas niya, nawala yon!
Nagayos kasi siya.
Retouch ba tawag don?
Basta... Yun na yon!
Di ko makakalimutan yung pabangong nilagay niya. Tinanong ko pa kung ano yon.
"Lewis & Pearl, yung violet." sabi niya habang naglalakad kami at naghahanap ng makakainan.
"Ang bango..."
"Talaga? Gusto mo?" alok niya.
"Sige. Para magka-amoy tayo."
"Ok."
"Eeehhh. ikaw na." angal niya. Pinagtatalunan kasi namin kung sinong oorder sa counter, nang mapagisipan naming kumain na.
"Ayaw. Mabilis akong mainis. Ikaw na." pagkasabi ko non, di na siya nakaangal.
Di siya pumayag na sagutin ko lahat. Hati daw kame.
"Oy." sabi niya sakin. Nakaupo na kami at kumakain ng fries.
"Oh?"
"Seryoso ka ba?" tanong niya na todo makatingin sakin. Parang natutunawa ako. Nilihis ko yung tingin ko sa kanya at binaling ko sa burger.
"Saan?"
"Ah.. Wala, wala."
Pagkatapos naming kumain, naglibot-libot lang kami saglit. We went home almost 8 in the evening.
"Sa'n ka bababa?" tanong niya sakin. Nasa bus na kami at nakaupo sa may bandang gitna.
"Sa Fiona street, bakit?"
"Ahh. Hatid kita ha." alok niya. Todo ngiti pa siya sabay hawak sa braso ko at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.
Di na ko tumanggi. Napakakulit niya. Maya-maya nakatulog na siya na parang bata.
"Uy," sinundot-sundot ko ang pisngi niya. "Bababa na ko."
Dinilat niya kagad ang mata niya at sumandal sa upuan.
"Tara na?" alok ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayang bumaba.
Di ko makakalimutan ang araw na 'to. Ngayon lang uli ako naging masaya. Salamat kay Kyle.
---
"Love comes unexpectedly.
Magugulat ka na lang, nandyan na siya sa harapan mo.
Just make sure to decide the right thing and never left what is important, your happiness."
-CHAPTER 19/end-
BINABASA MO ANG
Fated
Teen FictionSa buhay natin, di natin alam kung kailan darating ang pag-ibig. Minsan magugulat ka nalang nandyan na pala sa tabi mo. It is very unpredictable. You'll never know when its time, although sometimes, it acts on the right moment. The happiest part? Yo...