Chapter 4

15 0 0
                                    

Home alone again. Wala na naman si Papa. Di ko alam kung nagsugal na naman. Like the usual, naglinis uli ako ng bahay. Wala rin kasi ang mga kapatid ko. Di sila mapirme dito, wala rin kasing stock sa ref na mga pagkain.

Nanunuod lang ako ng TV nang biglang nag-vibrate ang phone.

2 messages receive.

From: Dennis

Nakauwi ka na?

From: Angel

oi! kwento! ^^>

I replied.

To: Dennis

yup. kanina pa. Thank you ulet.

To: Angel

anung ikikwento ko?

*vibrate*

-Dennis

Anung ginagawa mo?

Tch. Kelangan ba pati pagtae ko sasabihin ko sa kanya? Grabe naman 'to.

"Wala naman, nanunuod lang ng TV."

*vibrate*

-Angel

nagdate daw kayo ni Dennis! Anyare?!

Pshhh. Isa pa 'to. Maurirat din.

Kumain lang kame.

*vibrate*

hayss. Ang hirap ng may phone. Gusto ko lang naman manahimik. AAAAHHHHH!

Di ko binasa at Di na rin nagreply. Di rin naman ako unli. Tsaka ayokong lumabas at makita ako ng mga tsismosang kapitbahay sa labas.

Pinatay ko ang TV at natulog. Payapa ang buhay ko pag nasa panaginip.

---

In my dream, I saw that boy again on the jeepney. Nakangiti siya sakin and I was also smiling at him. He moved towards me. Umupo siya sa tabi ko and he held my hands.

Nawala lahat ng 'to nang narinig ko ang malakas na kalabog sa kusina. Naalala ko na nakalimutan ko palang isara ang pinto.

Pumunta ako agad-agad at sumilip sa may gilid. Parang lasing na gumagala si Papa sa kusina. Walang tsinelas at may basag pang plato sa sahig.

"Mga gago!" galit na galit niyang sabi sabay kuha ng plato sa lamesa at binagsak ito. "Mga P*t*ng *n* niyo!" pagewang gewang siya na tila nakainom. Wala siya sa tamang pagiisip.

Nanginginig ang mga paa't kamay ko. Nangingilid na ang luha ko. Gusto ko siyang pigilan pero natatakot ako.

Sakto naman ang pagdating ni Mama.

"Gino!" dali-dali niyang pinuntahan si Papa at pinigilan ito. Napatakip lang ako ng labi. Ayokong makita nila ko. Pinipigilan kong tumulo ang luha sa mata ko pero di ko na mapigilan sa sobrang kaba at takot.

"Mga hayup sila!" paulit-ulit na sigaw ni Papa.

"Bakit ba? Anu bang nagyare?" natatakot na tanong ni Mama habang pinipigilan niya itong magbasag ng pinggan.

Napaupo na lang si Papa at humagulgol. Niyakap siya ni Mama at pinakalma, "Anu ba yun ha? Gino..."

"Niloko nila ko. Di totoo yung agency..." panggagalaiti nito. "Wala na yung pera... Tinakbo ng mga hayup na yon. Mga gago sila!"

"Ano?! Pano, Gino?! Pano na tayo?!" Nagagalit na tanong ni Mama at di na niya napigilan ang luha.

Di makasagot si Papa. Wala siyang masabi bukod sa mahinang paghikbi at panghihinayang. Nanatili lang siyang nakayuko habang nasa sahig.

"Gino naman, di kalakihan ang kinikita ko. Di ko kakayaning bayaran lahat ng bayarin. Bakit hindi ka na lang kasi nanahimik dito sa bahay?!" pakikipagtalo ni Mama.

"Magsa-sideline ako sa munisipyo. Hihingi ako ng tulong sa mga kumpare ko." sagot ni Papa sabay tayo. Wala siyang pakelam kung masugatan man siya ng mga bubog sa sahig.

"Ma, Pa..."

Nagulat sila nang bigla akong pumasok. Tumingin lang sila sakin at sabay na lumuha.

"Gem..." bulong ni Mama habang tumutulo ang luha.

Pinunasan ko ang luha ko at pinakalma ko ang aking sarili. Tumingin ako sa kanila at ngumiti. "Ma, Pa... maga-apply na lang ako. Tutulong ako. Bukas na bukas gagawa ako ng resume. Magpapasa ako sa mga fastfood chain. Kaya ko naman. Para matulungan ko rin kayo."

Lumapit ako ng dahan-dahan at pinulot ko isa-isa ang mga basag na plato. Di ko na mapigilan ang luha ko. "Kaya natin 'to. Pagsubok lang 'to."

Di naguusap ang magulang ko. Pumasok lang muli ako sa kwarto. Pagkasara ko ng pinto, di ko na talaga napigilang lumuha. Napaupo na lamang ako sa sahig at nanalangin.

---

Di natin alam kung kailan tayo ite-test ni God.

Kapag dumating ang oras na yon, it's better to be prepared, not just emotionally and mentally but also physically and spirituality.

In the end, tayo lang makakaalam kung anong grade natin.

It's either 'Passed' or 'Failed'.

-CHAPTER 4/end-

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon