After 2 months, nasanay na rin ako sa way of things at work. Nakuha ko na rin ang salary ko for this month. Hati kami ni Mama. Laking tulong din ng work kong 'to. Binayad ko yung first salary ko sa tuition para di na rin mamroblema si Mama.
NakapagpaLaboratory na rin ako. Thanks kay Tita Cath, dinagdagan niya at yung sobra, si Mama ang nagtabi.
Rest day ko today at may usapang gala kami ni Charles, yung friend kong bading nung high school. Di pwede sina Angel, Kiss, Clay at Iris. May mga lakad din daw.
Naglibot lang kami sa isang mall. Chika-chika to the max. Syempre kumain din kame.
Nalaman ko na lilipat siya ng school pag nakapasa siya sa Maritime school sa Bataan. Pero sa ngayon, sa FEU daw siya. Malapit lang sa school namin kaya pwede namin siyang puntahan.
---
Kakatapos ko lang magduty. As usual, pagod na naman. Kaya lang, tinatamad pa akong umuwi so I decided to go on the 3rd floor kung saan matatagpuan ang mga amusement chains!
"Uy!" sabi ng kumalabit sakin. Kakaakyat ko pa lang sa third floor.
Nagulat talaga ko sa nakita ko. Swear! As in!
"Uiiiiiii...!" Si Gem. Naka-short lang siya at black na blouse. Ang astig niyang tingnan. Kaso may kasama siya. Lalaki.
Medyo maitim at matangkad sa kanya ng konte. Naka-white polo shirt at pants with rubbershoes. Halata naman na tiningnan ko from head to toe, di ba?
"Charles, katrabaho ko." pagpapakilala sakin ni Gem sa kasama niya.
"Uy, hello." sabi ng kasama niya.
Ba't parang pumitik? Boyfriend? Hmm. Parang bakla eh.
"May duty ka?" nabasag ang iniisip ko sa biglang tanong ni Gem.
"Ah, hahaha. Kakatapos lang. Maglalaro sana ko eh."
"Ahhh. hehe, nakakatuwa naman nakita pa kita dito. Sakto! Pauwi na kame!"
Ganun, ganun lang yon? Ampf.
"Ah, sige sige. Ingat ka!" Ingat ka sa kanya!
Umalis na siya agad. Tiningnan ko sila pababa nung kasama niya at mukha namang nage-enjoy siyang kausap yon. May matching palo pa sa balikat. Tsk.
---
Nakita namin si Kyle. Coincidence? Hahaha. Pero it's so nice to see a co-worker. Sarap ipagyabang na may work na ko.
Ang sarap kasama ni Charles. Tawanan dito, tawanan doon. Halos lahat ng tao nilait na namin.
"Oy, ang yummy nun ah. Anung name? Nagpaalam ka kasi agad!" usapan namin habang pababa ng escalator.
"Si Kyle yun. Yummy ka jan!" sabay palo sa balikat niya.
"Ang pogi naman talaga! Nga pala, kamusta na kayo ni Dennis? Ikaw ha, kerengkeng kang bruha ka. May Kyle na, may Dennis pa!" muntik na niyang ibalik ang palo pero napigil ko agad.
"Tss... wala kaming kontak. Di rin siya nagrereply. Naku, bayaan na natin siya." sabi ko sa kanya, nakababa na kami at papunta sa sakayan.
"Nako, bitter niyo!" pang-aasar niya.
"Hmp..." inirapan ko siya kunware.
"Di bagay! Lalo kang naging bruha! Che!" sabay tawa kami.
Nagpaalam na kami sa isa't isa. Pababa na kasi ako, siya naman malayo pa ang bahay niya. I thank him for visiting me.
Kahit papano, nawala saglit lahat ng iniintindi ko.
---
...Boyfriend nga ba niya yon? HMMMMMMMMM...
-CHAPTER 9/end-
BINABASA MO ANG
Fated
Teen FictionSa buhay natin, di natin alam kung kailan darating ang pag-ibig. Minsan magugulat ka nalang nandyan na pala sa tabi mo. It is very unpredictable. You'll never know when its time, although sometimes, it acts on the right moment. The happiest part? Yo...