Chapter 13

18 0 0
                                    

My first birthday at my current workplace.

Nagdala ng pansit si Mama. Lahat sila binati ako. Wala mang regalo, ramdam kong na-appreciate nila ang handa ko.

Madami na ring nagbago sa store.

Si Ma'am Grace, nalipat na. Ang pumalit sa kanya, si Ma'am Eve. Mabait siya kagaya ni Ma'am Grace at nakikipagtawanan din saming mga crew pag may spare time.

Kuya Jeff? He's now a manager. Madami ring mga old crew na naging manager pero di ko sila ka-close kaya di ko na na-mention.

Pagka-out ko, nakita ko si sir jeff na kumakain ng pansit.

"Ano sir, ayos ba?"

"Oo kaso, tingnan mo. Inuubusan ako ng sahog." reklamo niya habang kumakain.

"Naku sir, laro nila yan dito. Hanapin mo daw kung sino ang nagubos ng sahog!" dugtong naman ni Ma'am Eve.

Nagtawanan sila pareho.

"Di Gem, pakisabi sa Mama mo masarap. Thanks dito ha. Happy Birthday!"

"Oo nga Gem. Happy Birthday!" singit ni Ma'am Evie.

"Salamat,salamat."

Nakapagbihis na ko at tapos nang kumain si sir jeff. Chine-check ko yung sched nang biglang umakyat si Kyle, "Ma'am, pa-out po!"

"Parang may humahabol naman sa'yo." bati sa kanya ni Ma'am Eve. "O, eto. Thanks, Kyle."

Pababa na sana ko nang biglang nagsalita siya, "Uy saglit! Hintayin mo ko! Sabay na tayo."

"Hala, magkaiba tayo ng way! Adik!"

"Palabas lang. 'To naman."

"Sige na nga, bilisan mo ha."

Sabay kaming nagpaalam kay Ma'am eve na kasalukuyang nagbibilang ng pera sa safety.

"Happy Birthday uli, Gem!" pahabol ni Ma'am. Ganun din ang sabi ng mga crew pagbaba namin at nagpapacheck na ng bag.

"Ehem."

"O, uwi ka na? Bye!"

"Ah, hinde hinde. Di pa nga kita nababati, tinataboy mo na ko!"

"O bakit?" pagtataka ko sa kanya.

"Uhmm... Happy Birthday!" sabay abot ng brownies. "Binili ko yan kanina!" nahihiya niyang sabi.

"Wow! Salamat! Ikaw lang nagbigay ng gift sakin."

Kinuha ko yung box. May iba't ibang flavor ng brownies don. Nakakatouch. Naalala niya pa kong bigyan ng regalo.

"Tara kainin natin!" alok ko sa kanya.

"E regalo ko yan sa'yo eh!" reklamo niya na parang bata.

"Alangan namang itago ko 'to? Tsaka di ko to mauubos! Tulungan mo ko!"

"Sige na nga. Dalawa lang sakin, ubusin mo yung apat! Payat payat mo na!" pagmamaktol pa rin niya.

"Oo na. Oo na!"

Naglakad lakad kami sa mall habang inuubos ang binili niyang brownies. Binilhan ko siya ng shake para naman may panulak kami pareho.

---

Ang saya-saya ko ngayon! Kasama ko si Gem ngayong birthday niya!

Naglalakad lang kami at halos malibot na namin ang buong mall. Binilhan niya pa ko ng shake para may panulak kami.

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon