Chapter 15

15 0 0
                                    

Sabay kami ng duty ni Gem today as opener. Ako sa lobby, siya sa counter.

Guess what?

Kasama namin si Kyle at siya ang nagoopen ng kitchen.

"Gem, turuan mo ko niyan minsan ha." sabi ko sa kanya habang pinapanuod ko siyang mag-assemble ng sundae machine.

"Sure!  Agahan mo minsan, turuan kita." nakangiti niyang sinabi.

Sakto namang dating ni Kyle na may dalang isang box ng sundae mix.

"San na 'to?" tanong niya kay Gem.

Parang natural na convo lang yon, pero para sa'kin may ibang meaning.

"Pakibuhos na lang jan sa lalagyan tapos palagay sa loob. Salamat!"

"Sige, sige. Sabi mo eh."

They were like a.couple!

Tae!

Ba't ko ba 'to nararamdaman?

Alam ni Gem na gusto ko si Kyle, di niya ko tatraydurin.

"JL, tapos ka na ba sa lobby?" nagulat ako nang biglang nagtanong ang manager namin. Biglang sulpot naman kasi.

"Ay, malapit na po!"

"Ahh, bilisan mo ha. Todo tingin ka kina Gem at Kyle eh." sabi niya sabay tawa.

"Hala ma'am! Issue?" sabi naman nitong si Gem.

"Oo nga ma'am! Magkaibigan lang kami ni Gem!" Tumawa lang ang dalawa.

"Hmp, oo na. Tapusin niyo na yan."

"Hehe." Medyo napahiya ako ng konte kaya umalis na ko sa harapan nila at tinuloy ang ginagawa ko.

Masarap kasama si Gem.

I feel comfortable beside her.

We were like sisters.

I have full trust in her.

Our shift is almost done. Napansin kong pinalitan na si Gem sa counter at kasalukuyang nagma-mop para makapag-out.

Nasa lobby ako sa harapan at nagma-mop din kasama ng tandem ko, si Neil.

"Pa-serve naman, crush!" sabi ni Kyle. Tiningnan ko agad kung sino ang pupunta sa kanya para kumuha ng serve.

Di ako makapaniwala. "Sure, crush. Ano ba dito?" sabi yon ni Gem.

"Yung malaking burger lang! Salamat!" Kyle replied enthusiastically.

"Oy! Oy! Anung crush-crush yang naririnig ko ha?" singit ni sir jeff.

Tumawa lang si Kyle at si Gem naman namula ang pisngi sabay sabing, "Trip lang namin yun sir!"

Trip? Nagtatawagan ng crush tapos trip lang?

Gem naman! How could you?!

"Wehhh? E ba't namumula ka?" pang-aasar pa ni sir jeff.

"Oo nga, Gem!" kantyaw ng mga katrabaho namin.

"Hala, di ah! Blush on lang yan!" depensa niya.

Naiinis ako.

Bakit siya pa?

Matatanggap ko kung iba eh.

Napansin niyang nakatingin ako sa kanya at ang nakakainis don, nginitian lang niya ko. Parang wala siyang alam.

Sabay-sabay kaming nag-out. Naiinis pa rin ako. Feeling ko na-traydor ako. Sarili ko pang kaibigan.

"Gem, kain tayo!" aya ni Kyle pagtapos niya magbihis.

"Sige ba! Sama ka JL ha!" alok niya sakin habang nakangiti sa harap ng mukha ko.

I'm totally pissed.

"Kayo na lang. Kailangan ko umuwi ng maaga, di ba Gem?" sabi ko sa kanya ng malumanay but emphasizing her name.

Parang inosente naman siyang sumagot, "Ganun ba? Sayang naman."

"Oo nga! Mas masaya! Mas marami!" masigla namang sagot ni Kyle.

Utut niyo!

Gagawin niyo lang ako chaperone!

Bwiset!

Nauna akong bumaba. Di na ko nagpaalam kay Gem.

Pano niya nagawa sakin 'to?

Kapatid pa naman turing ko sa kanya.

Nakakainis.

---

"O anyari dun?" biglang tanong ni Kyle.

Nagulat din ako nang biglang nag-walk out si JL. Kanina pa siya nakasimangot simula pag-out namin.

Hinihintay kong magsabi siya kung anong problema niya pero tahimik lang siya.

Di na rin ako nagsalita. Baka kailangan niya lang ng katahimikan.

"Hayaan na natin siya. Baka she needs alone time, ganern." may problema na naman siya... Pagpapatuloy ko sa isip ko.

Kilala ko siya, sa kilos at galaw pa lang niya, I know what's wrong.

I'm just like her but I don't like her to be alone just like myself. Kaya hangga't kaya ko, tinutulungan ko siya. Kino-comfort.

In that way, she'll never feel lonely.

---

"Ang dalawang klase ng ugali ng isang tunay na kaibigan,

Una, yung nagsasabi ng totoo. Sasabihin niya lahat ng mali mo, kahit masaktan ka, okay lang dahil alam niya ang totoo. Di ka kokonsintihin sa lahat ng desisyong gagawin mo.

Pangalawa, yung nagsasabi ng di-totoo. Ginagawa niya ito kapag alam niyang sobrang masasaktan ka o sobra na ang sakit na nararamdaman mo kaya mas pipiliin niyang itago ang katotohanan sayo.

Pero may isang katangian ang lahat ng tunay na kaibigan,

Hinding-hindi ka nila iiwan.

Siraan ka man ng iba at mali ka man, nandyan palagi yan, back-up sa lahat ng ginagawa mo."

-CHAPTER 15/end-

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon