Chapter 7

21 0 0
                                    

I came at their store on the designated time. Wew. Kinakabahan ako, Promise.

...Sana makapasa! Sana makapasa! Pls. Pls. Pls...

I wore a formal blouse, pants and doll shoes. Di ko rin kinalimutan ang ballpen. Pinaupo lang ako ng manager sa unahan at hintayin ko daw ang mga kasabay ko.

May umupo sa harapan ko, nakapang-nursing na uniform. Nag-aaral siya sa private university na malapit sa amin. Nginitian ko lang siya at ganun din siya sakin. Tahimik lang kami pareho.

May umupo ulit na girl, ang cute niya pati ng kilay niya. Yung hair niya naka-layer na mahaba sa ilalim then half yung sa unahan. Yun ata ang usong hairdo ngayon. Nginitian ko siya at ganun din siya sa akin.

Then the manager suddenly came and said, "Ay, tatlo pa lang kayo? Hmmm. Sige, pakisagutan na lang 'to ha. Pagkatapos niyo. Abot niyo sa mga naka-checkered na blue polo." May inabot siyang papel. Parang application form yun at inabutan niya kami isa-isa. Nakita ko ang nameplate niya, RC.

Napansin ko lang na kundi cute, e magaganda ang manager dito lalo na yung naka-syete ang gupit na Manager with matching brace sa ngipin. Her name is Ma'am Lea. Na-insecure talaga ako nung una. Ganun din ang mga crew. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit nila ko na-hire for interview.

Habang nagfifill-up, kinalabit ako nung naka-nursing na uniform. "Be, pwedeng pahiram ng ballpen mo pagtapos?"

"Hala, naka-student uniform pa man din 'tas walang ballpen?" sa isip-isip ng bitchesang ugali ko.

"Ah, sige sige. Wait lang ha." wala akong magawa kundi pumayag. Pare-pareho lang naman kaming nagpunta dito para mag-apply.

Binilisan ko ang pagsusulat. Bago ko fill-upan ang time availability, napukaw ang tingin ko bago yun.

Do you any serious illness or medical condition?

        No

        Yes

If yes, pls. specify:                    

Nagdalawang-isip ako kung ilalagay ko o hinde. Pero in the end,

*No

If yes, pls. specify: Blank

...Bahala na basta makapasa

I want to be honest to myself even if sooner or later, malalaman din naman nila. Pero kailangan kong makapasa. Tinapos ko na agad at pinahiram ko sa isang applicant ang aking ballpen.

I pass the application form to those person wearing a blue-checkered blouse. They said that I have to wait for the manager na magka-conduct ng interview.

May lumabas na naka-white checkered na Manager and on her nameplate,

Grace
Restaurant Manager

"Sino sa inyo si Ms. Gemmerry De Leon?" tanong niya.

"Ako po, ma'am." agad ko namang sinagot at nagtaas ng kamay.

"Halika." sinundan ko siya at nagpunta kami sa pinakalikod ng dining area nila.

Sa sobrang kaba ko, di ko na mapigilang pagpawisan pati mga kamay at paa ko. Ganito pala ang pressure kapag i-interviewhin kahit part-time lang.

Naupo siya sa may pinakadulo kung saan walang tao at tahimik. Katapat namin ang CR. Sinenyasan niya ako na umupo sa harap niya.

"Kamusta? Huwag kang kabahan ha. Parang chit-chat lang naman 'to." bungad niya para mawala ang tense atmosphere. "So, Gem... how's your parents?"

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon