Graduation Day
Di ko pa rin sinasabi kay Mama na may award ako for today. I want to surprise her. Sasabihin ko 'pag nasa school na.
The truth about my condition was still hidden. I never told it to anyone. I told them lies and kept it all to myself. Lahat din ng mga problema namin sa bahay, iniwan ko don.
I made a happy face in front of everyone and I gave everyone a smile. Deserve ko naman maging masaya. I'll just need to be strong and at all cost,stay positive.
Di na ako masyadong nagayos. I just kept my straight hair and let it fall over my shoulder. Konting blush, powder and lipgloss lang ang nilagay ko. Good thing, my pimples let me rest for awhile kaya makinis ang mukha ko ngayon.
"Gem!" sigaw ni Angel na tangkang papalapit sakin.
"Wow, ganda naman!" bati ko sa kanya.
"Hehe. Salamat! E ba't ikaw di ka man lang nagayos?" prangkang tanong niya.
"Wala ng oras eh. Na-late na ko ng gising." dahilan ko sa kanya pero parang di pa rin siya satisfied.
"Naku tara na nga lang sa pila!"
"Ay wait! Di ko pa nasasabi kay Mama." humarap ako kay Mama at bumulong, "Ma, samahan mo ko sa stage mamaya ha?"
Pagkasabi ko non, halos maluha si Mama pero pinigilan niya at ngumiti. Tumakbo na ko papalayo para pumila at samahan ang aking mga kaklase.
---
"I present to you, The Graduates!"
sigaw ng aming principal mula sa mikropono sa harapan.
Apat na oras rin kaming naghintay. Halos mamuo ang mga make-up sa mukha namin sa sobrang init.
Pagtapos ng activity, isa-isang nagpuntahan sa stage ang mga magulang para makapagpa-picture sa kanilang anak.
Hinanap ko naman sina Angel, Kiss, Clay at Iris para makapagpapicture kasama sila.
"Gem! Lika dito! Dali!" sigaw ni Angel. Malapit sila sa stage at kumpleto kame.
"Aww... Panu ba yan? Iiyak ba tayo o iiyak? Haha." sabi naman ni Kiss.
"Walang iiyak! Magkikita pa tayo noh! Iisa lang kaya tayo ng university!" dugtong naman ni Clay.
"Ehem, ehem. mukhang nakalimutan niyo na ko?" singit naman ni Iris.
"Ay, oo nga pala. Lilipat pala kayo Te Ai!" sabi ni Angel.
"Yup! Pero, I'll keep in touch! Mamimiss niyo ko eh!"
"Dahil dyan! Group hug!" sabi ko.
Nagyakapan kami ng walang humpay. Halos makaipon na rin kami ng sandamukal na pictures.
Di ko makakalimutan ang mga 'to. Sana magkaro'n pa rin ako ng time kasama sila.
"Guys, mama ko pala." pakilala ko kay Mama habang nagpapaalam kami sa isa't isa.
"Hi tita!!!" sabi nilang sabay-sabay.
"Hello, mga hija." masayang bati ni Mama.
"Panu ba yan? Mauuna na kami ni Mama ko ha. See you sa pasukan!" nauna na kong magpaalam.
"Bye, Gem!"
Pinauna ko ng lumabas si Mama para makapagpaalam pa sa iba kong kaklase. Nagulat ako nang biglang may tumapik sa balikat ko.
"Gem..."
Si Dennis ang nagsalita. Tila hiyang-hiya siya sakin. Niyakap ko siya. Di ko alam kung anong reaksyon niya kaya sinabi ko, "Pwede bang magpapicture?"
Kumalas ako sa mahigpit kong yakap at nakita kong gulat na gulat siya. "Ah, s-sure..."
"Say cheese!"
"Hehe."
Tiningnan ko ang kuha. Ang cute namin. Tumingin ako sa kanya at ngumiti, "Salamat. Pasensya ka na kung di pa kita masasagot ngayon."
Ngumiti rin siya sakin at hinawakan ang balikat ko, "Walang problema. Kaya kong maghintay."
And there I gave him my farewell. Naiiyak ako deep inside. Di ko alam kung anu nang mangyayari sakin. Kailangan ko lang ngayon magpakatatag.
---
Nakita ko si mama sa labas ng gym at naghihintay. "Tara na, Ma!" sabay ayaw sa kanya pauwi.
"Ma, eto yung pera na binigay samin kanina para sa mga honorable mention pati yung sa student of the year. Maliit lang yan, ikaw na bahalang magtabi." inabot ko ang pera habang nasa daan.
Halos maiyak ang mama ko sa tuwa pero ngumiti lang siya sakin at tinanggap ang pera, "Nak, sana sinabi mo agad para nakapaghanda tayo."
"Sayang, Ma. Isang araw lang naman ang graduation. Para na lang yan mamaya sa hapunan." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa dinadaanan namin. Suot ko pa rin ang mga medalya na natanggap ko. Minsan lang 'to kaya kahit eto man lang, maipagmalaki ko.
Tahimik lang kaming naglakad ni Mama papuntang sakayan. May mga kasabay kami sa jeep na schoolmates pero di ko sila kilala.
Napatingin ako sa bintana, kapag ganitong tahimik di ko maiwasang isipin yung resulta ng examination.
Hayy...
(one month after the Graduation)
*vibrate*
From: 0939*******
Good Morning. I'm RC from McDonald's **********. Pls. be advice to come at our store on Thursday, 3pm for your interview.
Bring ballpen.
Thank You!
-CHAPTER 6/end-
![](https://img.wattpad.com/cover/15691235-288-k634540.jpg)
BINABASA MO ANG
Fated
Teen FictionSa buhay natin, di natin alam kung kailan darating ang pag-ibig. Minsan magugulat ka nalang nandyan na pala sa tabi mo. It is very unpredictable. You'll never know when its time, although sometimes, it acts on the right moment. The happiest part? Yo...