Chapter 8

18 0 0
                                    

Pasok ako!

Yes! To the highest level! Daig ko pa nanalo sa lotto. Ayoko na sa problema, mula ngayon I will think positively!

After that interview, they texted me 3 weeks after. Sakto pang kakatapos lang ng birthday ko! Nakakatuwa!

First time kong mag-service crew at syempre mahiyain pa sa una. Madami ngang mabibigat na trabaho kagaya ng sabi ni Ma'am Grace pero kinaya ko.

Madami akong kasabay na na-hire. Yung nursing, pangalan niya Mea. Si JM naman yung cute na girl na may magandang kilay. Marami pa, silang dalawa lang ang naalala ko sa sobrang dami.

Lobby person ako today. Midshift ako kaya maya-maya pa ko makakapag-out.

Dito sa lobby, dito mo makikita ang iba't ibang uri ng customer.

PILI PIN NYA NA

Daig pa mga nagdadasal sa tagal pumili ng order.

THE JABAR

Halos tumira na sa ilong ang amoy kaputukan.

COKEFLOAT AND CHICKEN FILLET MASTER

Daming tinanong na order pero dun pa rin ang bagsak.

THE SOCIAL CLIMBER

Feeling susyal pag kumain.

THE POOR

Makalat kumain. Sabog-sabog lahat ng balat ng pinagkainan.

Kung kayo ang maja-judge, e mas marami pa. This is just the tip of the iceberg. Pwede rin kayong magdagdag. Lalong dumadame kasalanan ko kaya kayo na ang bahal.)

---

Masarap mag-duty kahit napakadaming gawain basta masaya kasama ang mga ka-crew. The old ones welcomed us like we were already their friends.

May bago kaming kasama sa lobby. Si Ralph and Kyle. They are the so-called 'Floor Master'. Short for, taga-mop.

Table Manager naman kami or taga-buss out o tagalinis ng lamesa na pinagkainan ng customer. Kasama kong new hire si Leyla and Jana.

"Hello Kyle!" sigaw ni Jana dun sa Kyle.

Ngumiti lang si Kyle sa kanya at pinagpatuloy ang pagma-mop.

"Pogi niya noh?" kinikilig na sabi ni Jana.

"Oo nga, friend!" pakikisali naman nitong si Leyla.

"Naku, baka makita tayo ng manager. Keep yourself busy daw." sabi ko naman sa kanila.

Muli kong tiningnan si Kyle. Parang nakita ko na siya somewhere pero di ko talaga maalala. Tumingin din siya sakin pero nilihis ko ang tingin ko at naghanap ng gagawin.

Medyo mawala ang tao at may kumalabit sakin habang naglilinis ako ng CR. Paglingon ko si Leyla ang nandun, "Be, turnover tayo. Kain ka na."

"Sige, sige. Dito lang ako sa likod. Sabi ni Ma'am, huwag daw iwanan ang CR. Ikaw na bahala rito be ha." Inabot ko sa kanya ang mga panlinis. "Salamat!"

"Sige, sige. Kain na!" sagot niya habang nakangiti.

Tumakbo ako papunta sa loob ng store at kinuha ang timecard. Nagpa-out ako sa Counter Manager na si Ma'am Loise. "Anung break mo?"

"Burger na lang po."

"O sige. Kuha ka na ng plato mo tsaka baso."

Dali-dali naman ang tumakbo sa kitchen sink sa may loob. Sakto naman meron nang nakababa na plato at baso. Hinugasan ko yun tsaka inassemble ang break ko.

Pag-akyat ko, bukas ang Manager's office at nandun si Ma'am Lea.

"Kain po, Ma'am." alok ko.

"Ay, Thank you. Sige, kain ka na. Anung oras ka nag-in, Gem?" nakangiti niyang tanong.

"11am po."

"Ay, past 5 na. Sabihin mo kay Ma'am out ka na ha."

"Sige po." Yes! Wew! Oo nga pala. Halos 6 hours na ko.

Umupo ako sa table naming mga crew.

"Breakout?"

"Ay pusa ka!" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Si Kyle pala.

"Mukha ba kong pusa?"

"Tch. Nanggugulat ka kasi." inis kong sabi habang kumakain.

"Wahaha. Kyle pala. Ikaw si Gem, tama?" Tumango lang ako.

"Nakakapagod no? Ang sakit sa likod, grabe!" reklamo niya.

Napangiti lang ako. "Okay lang yan, masaya naman eh."

"Oo naman! Nandyan ka eh!" banat pa niya.

"Naku, lola mo!"

"HAHAHA. Sabay na tayo ha. Out na rin ako eh."

"Talaga? Anung oras ka ba nag-in?"

"11:30"

"Ah, magkasunod lang pala tayo."

Sabay nga kaming pinag-out at sabay rin kaming lumabas.

"Dun ang way ko, ikaw ba?" sabay turo ng daan niya.

"Sa kabila ako eh. Bye!"

"Ah sige! Ingat!" sigaw niya habang pasakay ng jeep.

Tumawid nako pagkasakay niya. Iniisip ko pa rin kung saan ko siya nakita. Infairness ha, mabait din pala siya.

Masaya maging crew. Sobra.

-CHAPTER 8/end-

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon