I started my day like usual. Wala na si Mama paggising ko. Sina Papa naman at mga kapatid ko, tulog pa.
Di uso samin ang almusal kaya naligo na ko agad at nagayos.
Pagtapos maligo, I checked my phone.
06:03am
10 messages received
Wow. 10msgs? Madami na sakin yon. Wala naman kasi akong katext. Pagkabukas ko ng inbox.
Dennis. 10
Puro galing kay Dennis? Hmm, ano na naman kayang sabi nito?
ui...
ui ui ui...
nakauwi ka na? :)
Kumain ka na ba?
good evening :D
Kain ka na ha.
ui.. galit ka ba sakin?
Gem...?
reply ka naman.
hays... goodnight :(
Kahapon pa pala lahat ng 'to. Kaloka naman 'tong lalaki na 'to.
Nireplyan ko nga.
Good Morning. Busy ako kahapon. Di ko nagalaw phone ko until now. Tsaka ba't naman ako magagalit?
Iniwan ko muna ang phone ko sa lamesa at inayos ang kama ko. Aaminin ko, I already have an experience being in love. My first boyfriend was on second year. I broke up with him, not too long after.
The second one was my boyfriend when we were at third year. Mabait siya, di siya showy kagaya nang nauna, sweet at maaalalahanin kaya lang napansin ko na halos lahat ng grades ko bumababa, so I decided to tell him to wait for me until graduation and he said yes. But there's that girl na crush na crush niya and his friend told me that he already love her. I have no choice but to move on. I did not wait for him.
And there came Dennis. He is a sweet guy. Tinuturing ko siyang malapit na kaibigan but I never imagine him being a boyfriend or a lover. He is a type of guy that every girl would want. Galante, gentleman at stick-to-one.
Pero para sakin, he's just a...Ano nga ba?
---
10am na natapos ang pratice. Wala naman masyadong ginagawa so inaayos na namin ang iba naming requirements para sa papasukan naming University.
Nga pala, nakapasok ako sa isang State University. Kilalang school yon sa Manila and to tell you the truth, I was really hoping to pass at that school. Balita ko kasi mura lang ang tuition fee, para na rin di gaanong mabigat kina Mama.
Nasa tapat ako ng registrar, hinihintay kong i-release yung good moral ko when a small tap in the shoulder startled me.
Si Dennis...
"Hmm. baket?" inosente kong tanong sa kanya habang ngumunguya ng candy.
"Uhmm... Ano uh... Pwede ka ba mamaya? hehe..." mahina niyang tanong habang nakahawak ang kamay sa kanyang buhok na tila inaayos.
"Depende. baket?"
"Galit ka ba saken?"
"Hindi."
"Ahh. Libre sana kita ng lunch. Kung okay lang?"
Nakita kong nakasilip sa gilid ng registrar sina Angel, Kiss, Clay at Iris pero nagkunwari akong di ko sila nakita. Nagbubulungan at nagtatawanan pa. Tumingin lang muli ako kay Dennis na naghihintay ng sagot ko.
Iniisip ko muna kung may dala akong pera. Nakakahiya naman kasi kung si Dennis ang gagastos.
Meron. May 150 pala akong baon na pinagkatabi-tabi ko para bumili ng graduation gift sa sarili ko. Di na ko makatanggi. "Sige, go ako jan."
"Talaga?" galak na galak niyang tanong.
"oo, oo. Wag kang maingay," tinapik ko siya sa balikat. "baka di ko makuha yung good moral ko."
"Ay sorry," nakayuko niyang sagot sabay takbo, "sige mamaya na lang!"
---
"Can I ask you something?" he asked breaking the silence.
Nasa isang fastfood chain kami malapit lang sa school. Guess what? Na-save ang inipon kong 150 because he took all the charge like what he said earlier. His treat.
Kahit hiyang hiya ako. Di na ko nakatanggi sa biyaya.
"Anu yon?" mukha siyang seryoso kaya seryoso din ang pagtatanong ko.
"Pwede bang manligaw?"
Huminto ako sa pagkain. Actually, di ko talaga alam ang isasagot ko. Sa dalawang relasyon na pinasok ko. Di ko alam kung magiging maayos kami ni Dennis.
"Seryoso ka?" tanong ko sa kanya with eye-to-eye contact.
"Oo."
Can I give him a chance? Hmm...
"O-ok lang naman..." napansin kong napangiti siya. "Pero, wag sa bahay."
Di siya sumagot and pinagpatuloy ang pagkain. Some of our classmates saw us and they greeted us. Sabi ko kay Dennis, uuwi na ko after naming kumain. He never insisted on bringing me home.
I received a text.
From: Dennis
Thank you for giving me a chance. I'll wait. I'll be patient.
I smiled on his text and replied.
Thanks for the treat. ^_~
Tinago ko na yung phone sa bag.
...sana tama yung desisyon ko. Di ko alam kung anung plano ni Lord but I'll also wait and see if it's a good thing.
-CHAPTER 3/end-

BINABASA MO ANG
Fated
أدب المراهقينSa buhay natin, di natin alam kung kailan darating ang pag-ibig. Minsan magugulat ka nalang nandyan na pala sa tabi mo. It is very unpredictable. You'll never know when its time, although sometimes, it acts on the right moment. The happiest part? Yo...