Chapter 21

3 0 0
                                    

Sabi nila,

First love never dies.

Tama naman. Di naman talaga mamatay yon. Mananatili lang na nakatatak sa isipan natin.

Pero kung may First love, Meron din namang Last. Yung tipong, makakasama mo panghabang buhay.

Hay, pag-ibig nga naman. Pagdating sa mga bagay na ganito, madaming nagrereact.

May matutuwa...

Malulungkot...

Iiyak...

Masasaktan...

Mababaliw...

Magseselos...

Maiingit...

Maiinis...

Magagalit...

Magaaway...

Kulang pa yan. Dahil sa dinami-dami ng emosyon sa mundo, di ko na sila kayang i-type.

Pero minsan, ang sarap ding ikwento. Kahit feeling mo, napakadaming panget na nangyari sa buhay mo.

Hay,

Ang sarap balikan.

Lalo na nung araw na sinagot ko siya...

*flashback*

Closing na naman. Ayun, stock sa paglilinis sa counter. Buti na lang may kasama akong baliw.

"Hay nako, Gem! Sawang sawa na ko!" pagiinarte ni JL habang nagma-mop ng sahig.

"Anu na naman yan?"

"Ikaw ba di mo nararamdaman?" nagdadrama na siya nang parang nasa soap opera.

"Ang alin?" nakunot lang ang noo ko sa kakornihan.

"Ang pagod, puyat... Eyebags! Tingnan mo oh, pwede ko nang ibenta! Gusto mo?"

"Ah... No thanks... Meron din ako niyan."

Mukhang tanga lang kami don. Kung ano anong pinaguusapan namin.

"Gem, nakakaboring talaga ang buhay no?"

"Di naman. Grabe ka naman."

"Para sayo hinde! May lovelife ka na eh!"

"Sus, ganun ba yon?"

"Oo naman no?!"

"Ahh... You mean, in a romantic way. Anu ka ba? Di naman porke walang lovelife, boring na yon. Di naman limited ang love sa boy at girl di ba? Anu pang silbi ng kaibigan at pamilya? May love din dun, di ba? Di nga lang romantic. Pero di rin naman boring. Ah ewan! Magulo talagang mabuhay!"

"HAHAHA. Ang lalim... May pinaghuhugutan lang?"

"Tch. Simulan mo kaya?"

*sigh*

Ganun lang kame hanggang sa matapos. Ramdom topics and ramdom questions.

"Yo!"

Bati yun ni Kyle. Kakatapos lang din niyang maglinis ng kitchen matapos makipagharutan sa mga kasama niya ron.

"Oi. Peram mop ha."

"Ako na magma-mop para sa'yo!"

"Ayieee! Kakalinis ko lang, may langgam na agad!" pang-aasar yun ni JL.

"Oo nga! mga bwisit kayo! Dun kayo maglambingan sa labas! Uwe!" biro naman ni Kenneth na parang lasing.

"HAHAHA." Yun lang ang reaksyon ni Kyle habang kinakamot ang ulo.

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon