Chapter 22- vacation 2

38 4 4
                                    

Yoona's POV

Waa! Napanganga ako sa ganda ng paligid.. Grabe! Di ko akalain na may gantong kalinis pa pala sa pilipinas! Parang mala boracay to ah! Sigurado akong sisikat to!

"Hoy ! Baka naman mapasukan na ng langaw yang bibig mo?" Natatawang sabi sakin ni Yonghwa.

Napapout naman ako. "Yan ang una mong sinabi sakin ngayong araw. Ha ha ha. Nakakatuwa!" Sabi ko sa kanya at mangha paring tumingin sa paligid.

"Nagtatampo kana niyan?" Hindi ko siya pinansin at inirapan ko lang siya. "Wala na kasi akong masabing sikreto sayo. Remember, we're just secret buddies.. right?" Napanganga naman ako sa sinabi niya

"Hindi bat BESTFRIEND dapat ang tawag dun?!"

"Hahaha! Di tayo ganon ka close" tinaasan ko siya ng kilay. Ginulo niya naman ang buhok ko. Agad kong inayos ito. Tsk! Tignan mo naman! Papansinin nga ako mangiimbyerna naman!

"Ganyan pala kayo kaclose?" Emotionless na sabi ni luhan. Napatingin ako sa kanila at nakababa na silang lahat. Ngumiti ako sa kanila.

"Hindi kami close!" Sabi ko habang nakatingin kay yonghwa. Sumbong kita kay seo eh!!!

"Siguro kapag tumahimik siya ng isang beses?" Natatawang sabi ni yonghwa. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan siya. Ang sama ng ugali nito!

"Tsk." Sabi ni luhan at umalis.

"Ay bongga! Nagselos!" Sabi ni yuri unnie. Napakunot naman ang noo ko at napatingin sa direksyon na pinuntahan ni Luhan. "Ano yattt?! Di mo susundan?"

"Sundan mo na, princess-nim. Masama yan magtampo." Sabi ni Chanyeol at kinindatan ako. Masama magtampo? Tsk magaling lang yan umarte kasi nanonood si seohyun. Hmf!

"Sundan ko muna" sabi ko at napabuntong hininga. Sinundan ko yung pinuntahan niya kanina at nakarating ako sa parang likod na parte o yung tagong parte nito. At dun ko napansin si luhan na nakaupo sa buhangin. Umupo ako sa tabi niya at tinanggal yung bag ko.

"Nice acting skills you got there" papuri na walang gana na sabi ko.

"Thanks" walang emosyon na sabi niya. Walang nagsalita samin. Sinundan ko siya kasi nakita kong nanonood si seohyun saming dalawa. Kahit gusto ko pang maglibot libot dun at maglaro, sinundan parin kita kasi ayokong magisa ka. Napabuntong hininga ako at iniwas ang paningin ko sa kanya. "Pwede kanang bumalik don"

"Ayos lang."

"Gusto kong mapagisa"

"Ahh" tanging sagot ko at tumayo na. "Ok"

"...Hmm sige na"

"Ok"

"...o-ok"

Aalis na dapat ako ng bigla nalang.. "tingting" napalingon naman ako sa kanya. GUSTO KONG MAGLIBOT NA XI LUHAAAN!

"ano na naman?!" Mukha namang nagulat siya sa pagsigaw ko. Gusto ko na kasi talagang maglibot dito eh. Ngumiti siya ng halatang malungkot at tumingin sa mga buhangin. Napa buntong hininga siya at nagsalita

Loving Xi luhan (LuYoon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon