Yoona's POV
"The principal is giving us 1 week vacation. San kayo pupunta?" Tanong ni Yuri unnie. Pagkatapos kasi ng tatlong araw mula ngayon ay malaya na kaming makakapunta kahit saan namin gusto, 1 week vacation nga ika niya.
"Pupunta ako sa bahay ng parents ko." Sabi ko ngunit bigla kaming napalingon ng may narinig kaming nahulog. Nakita ko ang mga kutsara at tinidor na hinuhugasan ni sunny unnie na nasa lapag na ngayon. "Anyare sayo, unnie?"
"W-wala." Tapos pinulot niya yung kutsara at tinidor na nahulog sa lapag. Nagkatinginan kami ni Yuri unnie at nagkibit balikat pareho. "A-ayaw niyo bang gumala nalang tayo?" Lalo akong nagtaka sa tanong niya.
"Hmm. Uuwi din kasi ako" sabi ni Yuri unnie. "Miss ko na ang parents ko ih hehehehe."
"Ako din, unnie eh. Kailangan kong umuwi kasi hindi ko pa nakakausap si daddy. Si mommy lang lagi ang natawag sakin kaya namimiss ko na yun." Sabi ko ng malungkot. Nagtataka na nga ako at puro si mommy nalang ang nakikita ko kapag nag feface time kami. Kadalasan kasi ay nandun si Daddy para baitin man lang ako. Ngunit nitong mga nakaraang buwan laging si Mommy nalang ang nakakausap ko.
"Ahh, g-ganon ba." Yun lang ang tanging nasagot ni Sunny unnie.
"May problema ba, unnie?" Tanong ko ng nakakunot ang noo ngunit umiling lang siya at hindi na sumagot. Siguro nagaway na naman sila ni Suho.
Naghanda na kami pare-pareha para pumasok sa school. Pagkalabas namin ng dorm ay nagaantay na pala dun sina Hae oppa, chanlie at si suho. Mukhang sinusundo kaming tatlo, ano paba? Hehehe. "Kamusta ang tulog mo?" Nakangiting tanong sakin ni Hae oppa. Ngumiti din ako sa kanya.
"Ayos naman." Sabi ko. Nagusap pa kami bago niya ako mahatid sa klase ko. Nakita ko na naman si Seohyun sa likod. Nakatingin siya sakin at parang may gustong sabihin. Hindi ko na iyon pinansin at umupo na agad sa tabi niya. Marami pang oras bago dumating ang teacher, bakit nandito na siya? Hindi naman siya maaga lagi napasok.
"Can I talk to you?" Sabi ko na nga ba. May kailangan siyang sabihin sakin kaya maaga siyang pumasok ngayon. Nakakaloko.
"Ayoko ng gulo." Walang emosyong sabi ko.
"M-may kailangan lang ako sabihi--"
"Wag mo nalang akong kausapin, pwede ba?" Inis na sabi ko. Ayokong marinig ang kung ano mang kasinungalingang manggagaling sa kanya. Mabait ako pero may pagkakataon ding naiinis ako sa presensya ng iba, gaya ng sa kanya. "Please lang." Sabi ko at tumutok nalang sa harapan. I heard her heaved a sigh pero hindi narin siya nagsalita pagkatapos non.
Dumating na ang teacher at nagsimula na ang klase ngunit ang isip ko ay sa iba naglalayag. Hindi ko din maintindihan ang inaakto ni Seohyun sakin, para kasing bumait siya? O kaya baka natauhan na hehehe.
Ng mag lunch na ay dumiretso agad ako sa table namin nila Yul unnie. "Shit teka." Nagulat ako sa sinabi ni Yul unnie at napatigil sa pagkain. Tumingin ako sa kanya at napakunot ang noo ng makitang namumutla siya.
"What the hell?! Kwon Yuri. Tangina, anong nangyayari sayo?" Asik ni Sunny unnie.
"Shhh" pagpapatahimik samin ni Yuri unnie. Humawak siya sa tiyan niya na para bang namimilipit ito sa sakit kaya agad naman akong pumunta sa tabi niya.
"Anong nararamdaman mo, unnie?" Malumanay na sabi ko kahit sobrang kabado nako.
"Ugh" parang masakit nga ang tiyan niya at namimilipit ito. Itatayo na dapat namin siya ngunit nagpumilit siyang umupo. "Teka!" Inis na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Loving Xi luhan (LuYoon Fanfiction)
Nezařaditelné"bat mo ba ako sinusundan?!" "Kasi nga you're mine!!!" "tss. Hindi ako sayo. " "Bagay tayo! "pano mo nasabi?" "kasi ang gamot ng lalaking masungit ay babaeng kasing cute ko at makulit" ****