Chapter 29- Not Anymore

44 3 0
                                    

Yoona's POV

NAGISING ako ng may marinig na tatlong katok sa pinto. Pagbukas ko nito ay nanlaki ang mga mga mata ko. Tinignan ko si Luhan na nakangiti habang may dalang pagkain. "Goodmorning" sabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?!" Inis na sabi ko.

"Breakfast?" Sabi niya at pinakita ang dala niyang lunch box. Inirapan ko siya.

"Do I look like I care?" Sinabi ko iyon ng emotionless na tumitig sa kanya. "Fuck off, Luhan." At saka ko sinara ang pinto.

Napasandal ako sa likod nito at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay kinikiliti ang puso ko sa tuwing maiisip kong pumunta siya sa kwarto ko para dalhan ako ng breakfast. Jusko po Im Yoona, kailangan mong itigil ang kahibangan mo. Okay? Hindi pwede itong ginagawa mo.

Lumingon ako sa gawi ni Sunny unnie at napabuntong hininga ako ng makitang tulog pa siya. Buti nalang at di ko siya naistorbo.

Humiga ako agad sa kama at nagtakip ng unan sa mukha. Aaminin kong natuwa ako noong nalaman kong may gusto nadin sakin si Luhan, gumaan ang puso ko at ang tanging ginusto ko nalang ay ang makasama siya.

Ngunit sa kabila nito, naisip ko na.. na baka niloloko niya lang ako. Na baka plano niya lang ito para gamitin ulit ako. Natatakot nako, natatakot nako sa mga pwede pang mangyari sa susunod kapag nagtake ako ng risk sa pagkakataong ito. Una sa lahat, nababahala akong masaktan si Hae Oppa. Napakabait niya sakin, lahat ng pinapakita at pinaparamdam niya sakin ay lahat totoo. Nasaktan ko na siya noon. Ayoko sanang masaktan siya sa ikalawang pagkakataon.

Ayoko siyang paasahin na magkakaroon pa ng kami. Dahil sigurado akong hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Hae Oppa.

"Urgh! Hindi ko na alam ang gagawin ko." Inis na sabi ko at naibato ang unan.

"Anong nangyayari sayo, payatot?" Kunot noong tanong ni Sunny unnie sakin. Napalunok naman ako at nahihiyang lumingon sa kanya.

"Wala unnie." Bumuntong hininga ako at humiga ulit. "Andami lang gumugulo sa isipan ko."

"Pero Yoona.." napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang upuan na inilapit niya papunta sa tabi ko. Umupo siya doon at inilagay ang kape niya sa lamesa malapit sa kama k. "Papaasahin mo nalang ba talaga si Donghae? I mean, alam kong wala kang gusto sa kanya. Pero payatot, hindi tama na paasahin mo siya." Sinserong sabi niya. "Hindi ginagamit ang tao para magmove-on, Im Yoona. tandaan mo na ikaw lang ang maaring makatulong sa sarili mo." Dagdag niya pa at tinignan ako ng matagal.

"I-I know, unnie. Alam kong hindi tama, nabanggit ko nadin to kay Hae oppa pero ayaw niyang pumayag. N-nahihirapan nadin ako." Seryosong sabi ko.

"Kung ganon ay pilitin mo siya na bitawan kana. dahil kung mas tatagal, mas lalo siyang aasa. Kapag lalo siyang umasa, mas lalo siyang masasaktan sa dulo."

"N-naiintindihan ko, unnie. Hahanap ako ng tamang oras para kausapin siya."

"Yoona.." bumuntong hininga ulit siya na para bang hindi ko naiintindihan ang point niya. "Sa kahit anong paraan ay masasaktan mo siya. Ang maitutulong mo nalang ay ang bawasan ang sakit na mararamdaman niya. Habang mas tumatagal ay mas lalo siyang masasaktan pag nagkataon. Makinig ka sakin, Yoona." Nakakunot ang noo niya ng sinabi niya yon. Seryosong-seryoso at walang bahid ng biro. Lalo akong naguilty sa sinabi niya, I don't deserve to be loved that much. "Naiintindihan mo bako? It's now or never." Dagdag niya na lalong nagpakaba sakin. Tumayo siya at sinimsim ang kape niya. "Maliligo nako." Agad ko siyang tinanguan.

Loving Xi luhan (LuYoon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon