Yoona's POV
"Okay. So guys, bumilog kayo tapos uumpisahan na natin ang first activity" sinunod naman namin ang sinabi ng teacher. Bale katabi ko ngayon yung classmate kong di ko naman kilala tapos si hae oppa sa kabila. Binigyan kami ni teacher ng papers "So uumpisahan natin to sa paggagawa ng letters. Gumawa kayo ng tula gamit yan na para sa isang tao dito pero babasahin niyo lang ito at hindi niyo sasabihin kung para kanino"
Napakunot naman ang noo ko, napakahirap naman nito.
Pero wala pang 10 minutes at natapos ko narin agad ang tula ko, wala naman akong talent dito pero siguro.. nasa experience talaga yon.. kitang kita ko pang magkatabi si seo at lulu oh. Sila na. Tutal dapat magpasalamat pako at kung hindi dahil sa kanila hindi ako makakagawa ng tula.
"Okaaaay! Tapos na ang time. Simulan natin kay martin" tumayo siya at nagsimulang magbasa. Para siguro sa mahal niya. Paulit ulit lang at yung iba ay naggawa pa ng tula para kay teacher. Pumunta na kay yul unnie.
"Gaano nga ba kasakit ang magmahal?
Masakit nga talaga, kaya dapat handa ka.
Dahil hindi mo alam kung kailan hahampas ang alon, hindi mo alam kung kailan ka tatamaan.
Oo, hindi ko inaasam na mamahalin kita ng tuluyan.
Mahal kita, pero natatakot akong sabihin.. kasi natatakot akong malaman ang sagot mo.
Baka kasi may mahal kang iba.
Baka hindi ako.
Baka siya..
Kaya kahit na nasasaktan ako.
Kikimkimin ko nalang ang lahat,
Manatili kalang sa buhay ko.. " -yuri unnie"Kamusta, mahal?
Ah. Nakalimutan ko. Kamusta, kaibigan?
Sabi nila masakit magmahal kapag hindi ka mahal.
Sabi nila masakit magmahal kapag may mahal na siyang iba.
Sabi nila masakit magmahal kapag hindi ka niya kayang pansinin.
Sabi nila masakit magmahal kapag hindi niya makikita kita kung ano bang halaga mo.
Pero naranasan ko nayan lahat, Oo nakakatawa.
Naranasan ko na lahat ng sakit.
Pero mas nasaktan ako sa katotohanang, hanggang kaibigan lang 💔.
Hindi ko na papahabain pa, basta gusto ko lang malaman mo na.
OO, mahal kita.. Kahit para sayo, ako'y kaibigan lang "-YonghwaHalos maiyak nako sa mga tula nila. :<<, ang gaganda at halatang galing sa puso lahat. Nahihiya tuloy akong basahin yung sakin!! Magaganda rin naman yung sa iba.
"Im Yoona, you're next." Sabi ni teacher
"Pwede po bang sila muna" nahihiyang sabi ko pero hindi naman ako pinayagan ni teacher. Hayssss
NAHIHIYA TALAGA ANG DYOSANG KATAUHAN KOOOOOO!! Nilibot ko ang paningin ko sa kanilang lahat. Tapos nakita ko si luhan na nakatingin kay seo. Ang sakit talaga. Pero wala akong maggagawa.. hindi naman alam ni Luhan na mahal ko na siya.
"This piece is entitled hindi mo alam" sabi ko at ngumiti sa kanila. I cleared my Throat. Dito ko nalang malalabas ang nararamdaman ko, this is my chance..
"Pwede ko bang itanong
Kung bakit kailangan nating maging malungkot,
Bakit kailangang umiyak.
Bakit kailangang masaktan.Bakit kailangan sa bawat masasayang ngiti may kasabay na ulan?
Pero.. bakit nga ba tayo patuloy na umaasa kahit ang sakit sakit na?
Isa lang naman ang hiling ko, ang maging masaya kasama mo.
Ngunit isa lang din ang hiling mo, ang maging masaya ka, na siya ang kapiling mo.Sa bawat saglit habang hinihintay kita,
Nakaluhod at hinihiling na sana ..
Na sana andiyan kapa..
Na sana may tiyansa pa yung "tayong dalawa"
BINABASA MO ANG
Loving Xi luhan (LuYoon Fanfiction)
Random"bat mo ba ako sinusundan?!" "Kasi nga you're mine!!!" "tss. Hindi ako sayo. " "Bagay tayo! "pano mo nasabi?" "kasi ang gamot ng lalaking masungit ay babaeng kasing cute ko at makulit" ****