Chapter 30- Happy birthday Yoda! (Yuri and Chanyeol)

35 2 0
                                    

Chanyeol's POV

"Channieeee! Happy birthdayyy!" Napalingon ako kay princess-nim at ngumiti.

"Thank you, princess nim." Kinindatan niya ako. I sighed. Ano banaman to, bakit bako nalulungkot? I mean ano bang ineexpect ko?

"Hmmm. Hoy, bat kanaman malungkot?"

"Ha? Hindi ahh." Pagtanggi ko.

"Sus. Kitang kita sa mata mo na malungkot ka." Tinitigan niya ko at umiling. "Di naman kita tatawanan kung sasabihin mong nalulungkot ka dahil hindi kapa binabati ni yul unnie eh. Heheheh." Bigla akong namula sa sinabi niya.

Hay, oo na. Pano kasi, hapon na pero di parin niya ako binabati. Ineexpect ko panaman na siya yung unang babati sakin. Kaso hindi eh, mukhang nakalimutan niya. Okay lang naman.

Okay lang ba talaga?

"Nakalimutan niya siguro.."

"Parang." Sabi ni princess-nim.

"Ano?" Medyo iritang tanong ko. Tsk, so nakalimutan niya nga?

"Kasi kanina pa siya may kausap. Nagtatawanan pa sila kaya baka siguro nawala sa isip niya."

"At sino naman yun?!"

"Teka bat moko sinisigawan! Aba malay ko din." Bigla naman ako napabusangot. Wala ata akong pagasa kay Yuri.

Tsk, di panga naguumpisa. Broken hearted nako.

"HAPPY BIRTHDAY!!" Sabay sabay na sabi nila pagpasok ko sa office namin. Napangiti ako, nakita ko silang lahat. Pati si Seohyun at Luhan. Pero isa lang talaga hinahanap ko eh, Yuri. Pero nawala agad ang ngiti ko ng nalaman kong wala siya.

"Si itim?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman si princess-nim at Sunny. Parang 'ikaw na magsabi' yung kahulugan ng tingin nila sa isat isa. "Si yuri?" Paguulit ko ng tanong sa kanila.

"Ahh ehhh. A-ano kasi" napakamot ng ulo si princess-nim "May ano kasi. May kausap siya kanina, pero sabi niya naman ano eh. Susunod siya." pinilit kong ngumiti sa harapan nila.

"Ganon ba ? Sige hahaha."

"Tara kumain na tayo" sabi ni Sunny habang hinihila si Suho-hyung sa hapagkainan.

"Salamat sa inyo. Nagabala pa kayo." sabi ko. Nakatingin parin ako ngayon sa pinto at umaasang biglang papasok dun si itim. Ngunit halos 15 minutes na kaming nakain, wala pading maitim na pumapasok.

"Although, magkakagalit ang iba dito. Pinilit padin naming magsama sama para sa birthday mo." Donghae hyung said, tumango ako ng bahagya. Pero may kulang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving Xi luhan (LuYoon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon