Luhan's POV
"Gago ka!" Walang emosyon akong tumingin kay Donghae. Akma niya nakong susugurin pero pinigilan siya ni Chanyeol.
"Hyung.. wag kayong magkasakitan"
"You don't deserve her! Napakalaki mong gago, Luhan. Hindi mo alam kung sino yung sinayang at sinaktan mo." Tinignan ko siya ng mata sa mata. Tama siya, gago nga ako. Hindi ko na maitatanggi yun dahil totoo naman. Totoong ginamit ko lang si Yoona. Naging selfish ako, inaamin ko.
"I'm sorry" wala paring emosyon kong sabi sa kanya. Nasakin na ulit si Seohyun at maari na kaming magsimula ng panibago, pero bakit nalulungkot padin ako? Bakit nasakit paring ang puso ko? Ano nabang nangyayari sakin?
"Sorry?! Ha! Kapag minahal ako ni Yoona, wag na wag mo na kaming guguluhin dalawa!" Bigla akong nasaktan sa thought na yun. Na magiging sila. Selfish nga siguro ako dahil nasanay nakong nasa tabi ko palagi si Yoona.
Iyon ang nangyari bago umalis si Hae sa dorm ko. Pati si Chanyeol ay umalis nadin. Naiintindihan ko kung bakit sila galit sakin at hindi ako magagalit sa kanila kung patuloy silang iiwas sakin dahil iyon ang tama. Kailangan kong magdusa dahil sa kagaguhang ginawa ko kay Yoona. Tama si Donghae, hindi deserve ng isang katulad ko si Yoona.
Ang huling pagkikita namin sa rooftop ay tumatak sa puso't isipan ko. It felt like I encountered another break up. Ang sakit sakit sa puso at hindi ko din inasahang iiyak ako dahil dun.
*toktok* Tinignan ko lang ang pinto dahil bumukas nadin yon agad. Nakita ko doon si Seo na nakangiti sakin at may dalang pagkain. Ngumiti din ako sa kanya. "Oppa, kamusta ka?"
"Umm. Okay naman ako. Ikaw?"
"O-okay din naman pero kasi mukhang pinakalat ni Yoona unnie ang nangyari. Lahat ng estudyante ay tinatawag akong bitchqueen" mangiyak ngiyak na sabi niya at umupo sa tabi ko. May parte sakin ang nainis dahil alam kong hindi maggagawa ni Yoona yon.
"Siguro ay may nakarinig satin dahil impossibleng maggawa ni Yoona iyon satin" sabi ko sa kanya.
"Hindi!" Nagulat ko sa biglang pagsigaw niya at pagpalit ng mga maamo niyang mata. Parang bigla nalang siyang nagalit ng basta basta. "May galit siya sakin dahil inagaw kita sa kanya! Kaya siya ang gumawa non!"
"Seohyun.. alam nating hindi maggagawa ni Yoona yon"
"Pinagtatanggol mo ba siya?" Inis na tanong niya sakin. Napa buntong hininga ako at hinawakan ang dalawa niyang pisnge.
"Hindi ko siya pinagtatanggol seo, iyon ang totoo." Lalong kumunot ang noo niya at bigla nalang nagwalk-out. Bakit ba ganoon nalang ang galit niya kay Yoona? Ang alam ko ay magbestfriend sila dati.
Pinalipas ko nalang ang araw nayun. Ng magumaga na ulit ay nagbihis nako ng pampasok ko. Medyo maaga akong nagbihis dahil naisipan kong sunduin si Seohyun sa dorm niya. Mukha kasing galit pa sakin yun at wala din ako sa mood na suyuin siya nung nakaraang araw. Kumatok ako sa pinto at pinagbuksan naman yun ni Seohyun. Ngumiti ako at nilabas ang rose na binili ko. "Smile, princess. Wag kanang magalit sakin" sabi ko at ngumiti nadin naman siya at yinakap ako.
"Tsk. Muntik ng lalong umusbong ang tampo ko. Buti nalang maaga kang pumunta dito" sabi niya at napatawa naman ako. Nagready na siya at dumiretso kami sa school. Umupo muna kami sa gilid para magkwentuhan dahil antagal na nga naming hindi magkausap.
Nagtatawanan kami dahil sa mga kwento niya. Pero ng mapansin ko si Yoona ay hindi ko na narinig kung anong sinasabi niya. Mukha siyang napatigil at hindi alam ang gagawin. Hindi nadin samin nakabaling ang tingin niya. Lalapitan ko sana siya sa hindi malamang dahilan ngunit nakita kong pumunta nadon si Donghae para samahan siya.
BINABASA MO ANG
Loving Xi luhan (LuYoon Fanfiction)
Random"bat mo ba ako sinusundan?!" "Kasi nga you're mine!!!" "tss. Hindi ako sayo. " "Bagay tayo! "pano mo nasabi?" "kasi ang gamot ng lalaking masungit ay babaeng kasing cute ko at makulit" ****