Chapter 1: Bed friends?

32.5K 311 17
                                    

Chapter 1: Bed friends?

 

“Bilisan mo ngang magbihis d’yan, kita mong male-late na tayo! Alam mo namang may report pa kami sa first subject,” pang-aapura ni Ken. Naman talaga! E sino bang may kasalanan kung bakit nagmamadali kami ngayon?

“Ito na nga, e! Alam mo namang may pasok tayo tapos nakuha mo pang humirit ng isa pang round,” reklamo ko habang binubutones ang blouse ko.

“Tss! Nag-enjoy ka rin naman kaya ‘wag ka nang magreklamo. Ilang minuto nalang, o!”

Hindi ko nalang siya pinansin, bagkus ay nagpatuloy nalang ako sa ‘king ginagawa. Sa wakas natapos din!

“Sa kotse ka na magsuklay, tara na!”  

Dinampot ko na iyong bag ko tapos lumarga na kami palabas ng k’warto.

“Teka, ‘yung ribbon ko pa pala!” sabi ko nang maalalang hindi ko pa pala iyon nasusuot. Muntik ko nang makalimutan! Mahigpit pa naman ang university namin pagdating sa school uniforms.

 “Lakad na! Bilisan mo!” Pagkasabi niya no’n, kumaripas agad ako nang takbo papunta sa k’warto ko. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap kasi nakasabit lang naman iyon sa may dingding. Muntik pa akong matapilok sa hagdan kamamadali!

“Sakay na, dali!” ungot niya pagkarating ko.

“Ito na nga, e! Sungit,” inis kong sabi.

Padabog kong isinara iyong pintuan pagkaupo ko sa shotgun seat katabi niya. Kaagad niyang pinaharurot ang kotse pagka-upo ko.

“Ken naman! Slow down! Gusto mo na bang mamatay?” I exclaim.

Psh! Nakaka-high blood naman ‘to! Minsan talaga ‘di ko mapigilang mainis sa tukmol na ‘to. Hindi ko talaga ma-imagine kung paano kami naging mag-best friend. Oo, mag-best friend kami, ‘di nga lang halata.

“Okay, okay! Chill! High blood ka na naman, e!” he says tapos binagalan niya na ‘yung takbo. Buti naman!

Kinuha ko iyong suklay sa bag ko at sinimulang ayusin ang buhok kong parang dinaanan ng bagyo.

Hindi ko talaga lubos maisip na papasukin ko ang ganitong uri ng lifestyle. Since high school magkaibigan na kami ni Ken. Hindi naman kami ganito dati. I mean, hindi ganito ang set-up namin...not until that day. Magulo ba?

Nagsimula ang lahat almost three years ago…

Sembreak namin no’n at nagbabakasyon kaming magbabarkada sa villa nila Allen. Relax, relax lang kumbaga. Makapagpahinga manlang sa nakakapagod at nakaka-stress na college life kahit ilang araw lang. Gabi na no’n at nasa k’warto na ako, nakasalampak sa kama at abala sa panonood ng anime nang may biglang umepal.

“Oy ikaw ha! Nanonood ka pala ng hentai!” Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Ken.

Nilunok ko muna iyong nginunguya kong chichirya at saka ako nagsalita.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon