Chapter 12: Not-so-romantic date

7.9K 96 2
                                    

Chapter 12: Not-so-romantic date

Ngiting-ngiti ako habang pinagmamasdan ang aking sarili sa harap ng salamin.

Simple lang naman ang suot ko. Baka kasi isipin niyang masyado akong excited kapag nagpaganda ako nang sobra. White statement shirt na may nakalagay na bitch in bold and capital letters with matching faded maong shorts and black sneakers. My hair’s tied up in a messy bun. Light lang ang make-up ko with matching aviator shades. Parang gagala lang sa mall, ‘no? Hindi naman niya sinabing formal ang susuotin kaya in-assume ko nalang na baka sa mall or park lang ang punta namin.

Hindi ko pa rin maisip kung bakit niya ako niyaya sa isang “romantic” date. Tinanong ko last time and ang sinabi niya;

“Wala lang. Trip ko lang. Gusto ko lang maranasan. Bakit, ayaw mo?”

What a reason he has! Hanggang ngayon, napapaisip pa rin ako kung ‘yon nga lang ba talaga ang dahilan. Ayaw ko namang mag-assume kaya ini-set aside ko nalang iyon. Ang mahalaga, niyaya niya akong mag-date. Masaya na ‘ko ro’n. Period.

“Ate, na’ndiyan na ‘yong bisita mo,” sigaw ng kapatid ko.

Okay, this is it!

Kinuha ko na ang pouch na nakapatong sa kama saka lumabas ng k’warto. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa makalabas ng bahay.

Pagkalabas ko, may nadatnan akong nakaparadang kotse sa harap ng gate namin. Sakto namang lumabas si Ken na naka-suot ng white v-neck shirt na tinernuhan ng black pants and sneakers. Naka-suot din siya ng gray bonnet at itim na headset. Napangiti ako. Ibang klase! Ang lakas talaga ng dating niya. Kahit simple lang ang kaniyang suot, ang g’wapo niya pa rin.

Lalapit na sana ako nang bigla niyang buksan ang kabilang pintuan ng kotse.

May kasama siya?

Sinong kasama niya? At bakit naman siya magsasama ng iba? E date nga namin ‘to ‘di ba? “Romantic date” pa nga, sabi niya.

Kaagad din namang nasagot ang aking katanungan nang lumapit siya sa ‘kin buhat-buhat ang isang batang babae.

“Ayos lang ba kung isama natin siya? Si mama kasi, e. Pinababantayan sa ‘kin,” aniya nang makalapit sa ‘kin.

Napatingin ako sa batang babaeng karga-karga niya. Ang cute! Mukha siyang manika. Ang haba kasi ng pilik mata niya tapos may pagka-chinita. Apple cut ang style ng buhok niya with matching bangs. Tantiya ko, mga three to five years old na siguro ‘to.

Honestly, I’m not really good in terms of dealing with kids. In fact, I hate them.

Nakakainis kasi lalo na ‘yong mga pasaway at iyakin. Mga pinsan ko kasi, gano’n. Sa umpisa lang cute pero kapag nag-inarte, maiinis ka na. Isa pa, maikli lang ang pasensya ko pagdating sa mga ganiyang bagay.

Gusto ko sana kaming dalawa lang ang magkasama pero…

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon