Chapter 32: Again

5.2K 83 13
                                    

Chapter 32: Again

Halos hindi ako makatulog nang gabing 'yon dahil sa nangyari. Paulit-ulit na nagfa-flash sa utak ko ang larawan ng masaya nilang pamilya. Paulit-ulit akong ginagambala ng mga ngiti niya.

Mga ngiti niyang nagpapatunay na masaya na siya ngayon sa piling ng iba.

Ayos lang naman sana.

Ang masakit, hindi niya ako makilala.

Lahat ng pinagsamahan namin, kinalimutan niya na.

Nauwi lang ang lahat sa wala.

Napahilamos ako ng palad sa aking mukha.

Damn it! Get a grip! I tell myself. Bakit ba mas'yado kang nagpapadala sa nakita mo? Past is past! Kalimutan mo na kasi! Nangyari na ang nangyari! Kahit anong pilit mo, wala ka nang magagawa pa!

"Ah! Bad trip!"

Hinagis ko ang panlimang dart sa board. Lintik na 'yan! Hindi pa na-bull's eye para nasapul ang mukha ng putanginang fiance niya!

Kumuha ako ng isang dart at inasinta ang mukha nito. Boom! Sapul! Kaso sa mukha pala ng bestfriend ko tumama.

Kumuha ulit ako ng dart at akmang ibabato na sana nang biglang may nag-doorbell.

Tamad akong naglakad papunta sa may pintuan at pinagbuksan ang nag-doorbell.

Pagbukas ko, si Marj bala. May dala siyang dalawang kahong pizza at mga beer na nasa lata.

"Anong ginagawa mo rito?" masungit kong tanong.

"Bad mood?" Pang-asar! Lalo akong napasimangot.

"Tsk!" Nag-pout siya. Ayan na naman siya sa pout-pout na 'yan!

"Kailangan ba may dahilan ako pag pumupunta rito? Hindi ba puwedeng na-miss lang talaga kita?" nakapamaywang niyang sabi.

"Psh! Pumasok ka na nga lang," inis kong sagot, saka tumabi para makapasok siya sa loob.

Nagtungo siya sa living room at ipinatong ang kaniyang mga dala sa table sa gitna.

"Ang kalat naman dito! Parang dinaanan ng bagyo," aniya sabay sipa sa lata ng beer na nakakalat sa sahig.

Sumalampak siya sa sahig na nalalatagan ng carpet, binuksan ang kahong naglalaman ng pizza at kumuha ng isang slice at saka nilantakan.

Umupo ako sa tabi niya. Isinandal ko ang aking likod sa may rim ng sofa at dinampot ang aking tablet.

"So, ano ngang pinunta mo rito?" seryoso kong tanong habang nagba-browse sa internet.

"Wala naman. Ang boring kasi sa bahay," sagot niya habang abala sa pagkain ng pizza. Ako naman, nakatutok ang mga mata sa screen ng tablet. "Tara, nood tayong movie!" yaya niya.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon