Chapter 4: Bitch mode

17.2K 159 7
                                    

Chapter 4: Bitch mode


Kainis talaga! Hanggang ngayon, masama pa rin ang mood ko dahil sa nangyari kagabi. Even though she's my mother...still—wala siyang karapatang control-in ang buhay ko kasi in the first place, wala naman siyang pakialam sa 'kin. Ugh! Ka-banas! Sarap mag-cutting ngayon! Isa pa 'yong prof. namin! Magpa-quiz ba naman ng topic na hindi pa niya natuturo? Unfair, right? Nag-aral pa man din ako kagabi (kahit na bad trip ako, mairaos lang ang grade ko) tapos iba ang lumabas sa quiz? Bullshit! Mapapa-putangina ka nala—

"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" sigaw ng babaeng bumangga sa 'kin. Aba't—bitch! Ang ayaw ko pa naman sa lahat, 'yong sinisigawan ako...lalo na kapag bad trip ako. Tulad ngayon.

"Shut up, freak!" I scowl at her.

Mukhang nagulat siya sa sudden outburst ko. I can be a bitch at a time like this, so beware...

Bago pa man siya maka-sagot, nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Wala akong balak magsayang ng oras para sa isang walang k'wentang kagaya niya. Narinig ko pa siyang sumisigaw at tinatawag ako kaya binilisan ko nalang ang paglalakad. Mahirap na. Baka mapaaway ako nang wala sa oras—kawawa naman siya kapag nagkataon. Ayaw ko namang mangyari 'yon. As much as possible, ayaw ko ng gulo.

Ilang saglit lang at na'ndito na rin ako sa tapat ng restroom. Pumasok na ako sa loob at nagsimulang maglakad papunta sa may lavatory nang may marinig akong umuungol. What the hell is that?

At dahil curious ako, sinundan ko ang tunog na naririnig ako hanggang sa mapadpad ako sa tapat ng pangalawa sa huling cubicle. Napasigaw ako dahil sa gulat.

"What the fuck Czarina?"

Tama ba 'tong nakikita ko? Si Cza ba talaga 'to? And why the fuck is she making out with that guy?!

Wait. Ano pa nga bang bago? Hindi na 'ko nasanay. Palagi naman siyang gan'yan. Every week, may bagong lalaki. Papalit-palit ang boyfriend. Kabi-kabila ang kabit. Mapa-taken o hindi, pinapatos niya. She's the campus queen bee after all. Scratch that—flirt queen dapat ang bansag sa kaniya! Ang pinagtataka ko lang, of all guys...bakit si Calix pa? Break na ba sila ni Sophia? Kailan pa? Nako, malaking gulo 'to 'pag nagkataon!

Saglit silang napatigil sa kanilang ginagawa at napatingin sa 'kin.  Nakakunot ang noo ni Calix samantalang wala man lang reaksyon si Cza—as if hindi siya nagulat na nakita ko sila.

"Sorry to disturb you guys...p'wede naman sigurong isara ang pinto para walang makakita," taas kilay kong sabi.

Why so careless? Pasalamat sila, ako lang ang nakakita sa kanila kundi baka laman na sila ng tsismis mamaya. Oh well, lagi nga palang laman ng tsismis si Cza.

Napangisi si Cza. Ibinaling niya muli ang kaniyang atensyon kay Calix at sinabing, "Don't mind her, honey," saka muling hinalikan ang lalaki. Tss. Ewan ko sa inyo!

Iniwan ko silang dalawa ro'n at pumasok sa isang cubicle. Matapos umihi, naghugas na ako ng kamay, naghilamos, saka nag-retouch nang kaunti and voila! I'm done. Narinig kong sumara ang isang pinto ng cubicle kaya napalingon ako. Buti naman at isinara na nila! Sheez! Nakakaistorbo na ata ako. Makaalis na nga rito!

Lumabas na ako ng restroom at naglakad pabalik sa classroom namin.

Abala ako sa paglalakad habang nakikinig ng music nang harangin ako ng ilang babae. Mga first year siguro 'to—mukha kasing mga inosente.

"Hi Ate Ella! Ikaw po 'yung best friend ni Kuya KM, tama?" bati ng isang may highlights sa buhok. Ano namang kailangan ng mga 'to? Istorbo! May quiz pa akong dapat tapusin, 'no!

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon