Chapter 20: Let go

6.2K 113 6
                                    

Chapter 20: Let go

Ilang minuto rin siguro akong nakatitig sa harap ng kaniyang pintuan bitbit ang mga snacks na binili ko pa sa grocery. Pagkatapos nito, hindi na ulit ako babalik dito.

Huminga ako nang malalim at saka kumatok sa pinto ng kaniyang silid.

"Kumatok ka pa, hindi naman naka-lock ang pinto," aniya pagkabukas ng pintuan, "Pasok."

Tumango lang ako't naglakad papasok sa kaniyang silid. Ipinatong ko ang dalang groceries sa kaniyang mini-table saka ako sumalampak sa kama at ipinikit ang aking mga mata.

Naramdaman ko siyang tumabi sa 'kin.

"Anong gusto mong panoorin?" tanong niya.

Iminulat ko ang aking mga mata't humarap sa kaniya.

"Kahit ano," walang gana kong sagot.

Tumayo siya't naglakad papunta sa may shelf, siguro upang maghalungkat ng dvds. Maya-maya'y nagsalang siya ng isa sa kaniyang dvd player. Matapos no'n ay bumalik siya sa tabi ko dala ang isang malaking pack ng lays na kabubukas lang.

Sumandal ako sa dibdib niya saka dumukot ng lays.

"I-play mo na," wika ko sabay subo ng lays.

Gaya nang aking sinabi, pinindot niya ang remote control at nagsimula na ang palabas.

Tungkol sa human survival/extinction ang movie na zombie-apocalypse ang theme. Halos ilang ulit na rin naming napanood ang movie, bakit 'yan pa ang napili niya?

"Bakit 'yan? Napanood na natin 'yan. Kabisado ko na nga k'wento n'yan," tanong ko sabay dukot ulit ng lays.

"Wala akong mapili," matipid niyang sagot.

"H'wag 'yan, nakakasawa na. Paltan mo nalang."

"Tinatamad akong maghalungkat. Ikaw kaya mamili?" aniya.

"H'wag na nga lang tayong manood," sagot ko.

Kinuha ko ang remote at pumindot kaya natigil ang palabas. Pinatay ko na rin ang tv.

"Matulog nalang tayo," sambit ko at saka inilapag ang remote sa bedside table.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likuran. Isinandal niya ang kaniyang baba sa 'king balikat.

And there goes the erratic beating of my heart again.

"Hindi naman ako inaantok," he whispers softly in my ears.

Napasinghap ako nang dumampi ang kaniyang mga labi sa 'king leeg. Sinimulan niya nang i-unbutton ang blouse ko. Hindi ako gumalaw. Hindi ko siya pinigilan. Hinayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya...sa huling pagkakataon.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon