Chapter 28: Everything has changed

5.4K 87 17
                                    

Chapter 28: Everything has changed

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon ngunit wala pa rin kaming natanggap na balita tungkol sa kaniya. Hindi naging madali para sa akin ang mabuhay nang wala siya sa tabi ko ngunit kita niyo naman, narito pa rin ako at humihinga.

Kung pa'no ko nalampasan ang mga panahon nang hindi siya kasama? Kung pa'no ko kinaya ang lahat? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, nilibang ko ang aking sarili sa pamamagitan ng iba't-ibang gawain. Nag-focus ako sa pag-aaral. Nagba-banda pa rin naman kami kapag may oras. Minsan, nagba-bar hopping ako kasama ang barkada tuwing gabi o kaya'y naglalaro ng online games sa bahay. O kaya nakikipaglaro ng basketball kasama ang tropa ko. Minsan tumutulong ako sa negosyo ng pamilya namin. Kapag walang ginagawa, nagbabasa ako ng libro, naglilinis ng bahay, nagfu-food trip at kung anu-ano pang gimmick, mawala lang siya sa isipan ko kahit sandali. Paulit-ulit ko 'yang ginagawa hanggang sa isang araw, nagising nalang akong wala na akong nararamdaman para sa kaniya. Kung pa'no nangyari? Hindi ko alam.

Siguro nakatulong iyong pagiging busy ko sa iba't-ibang bagay. Pati ang hindi nila pagbanggit ng pangalan niya kapag kasama nila ako. Hindi na rin kasi namin siya pinag-uusapan kaya siguro unti-unti ko rin siyang nakalimutan paglipas ng panahon.

Hindi ko naman siya kinalimutan nang tuluyan; ibinaon ko lang sa limot ang pagmamahal ko para sa kaniya. Naaalala ko pa rin siya paminsan-minsan. Nalulungkot pa rin ako kasi hindi na buo ang barkada namin dahil wala siya. Nami-miss ko pa rin naman siya; hindi na nga lang tulad nang dati. Minsan napapaisip pa rin ako kung bakit siya umalis - kung bakit niya kami iniwan. Minsan iniisip ko kung babalik pa ba siya o tuluyan niya na kaming kinalimutan. Madalas, pinapanalangin ko nalang na sana masaya siya ngayon.

Maraming nagbago makalipas ang tatlong taon. Graduate na kami at may sari-sariling trabaho na.

Kasalukuyan akong naninirahan dito sa Manila at nagtatrabaho sa company ng pamilya ko. Nakatira ako sa isang sikat na condominium hindi kalayuan sa building ng company namin. Madalas akong busy sa trabaho. Minsan ay nagkikita-kita pa rin naman kaming magkakabarkada at nagha-hang-out. Tulad ngayon. Magkikita-kita na naman kami.

Third anniversary na kasi nina Allen at Nica. At oo, naging sila rin sa wakas! Sa katunayan, ikakasal na sila sa darating na December, tentative pa ang date.

Kung itatanong niyo kung kailan naging sila? Naaalala niyo naman sigurong binigay ko 'yong dalawang concert ticket ng All Time Low kay Allen dati, 'di ba? Since dalawa 'yong ticket, niyaya niya si Nica para may kasama siyang manood. Sinunod niya 'yong payo ko. Nagka-aminan sila sa mismong gabi no'ng concert, habang tumutugtog ang kantang "Remembering Sunday". Astig 'no? Nagkaligawan. Nagkasagutan.

And the rest is history.

Kung hindi ko siguro pinayuhan si Allen, nako! Baka hanggang ngayon, wala pa rin silang progress kaya dapat talaga magpasalamat siya sa akin!

Matagal na naman nilang gusto ang isa't-isa. Highschool pa lang, patay na patay na 'yang si Allen kay Nica. Sadyang maarte, ma-pride, at pakipot lang talaga sila.

Si Aero? Babaero pa rin. Hindi na nagbago. Hindi na nakapagtataka. Mukha kasi siyang walang balak mag-asawa. Kabi-kabila kasi ang kalandian. Saka hindi pa rin yata siya nakaka-move on kay Yna. Hayaan niyo, makakahanap din 'yon ng katapat balang araw.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon