Postlude

13.9K 218 59
                                    

Postlude

Isang pamilyar na kanta ang tumutugtog habang naglalakad ako papunta sa altar, sa lalaking pakakasalan ko. Halos lahat ay nakatingin sa akin, sa amin. Ngumiti ako kahit halos madurog na ang puso ko. Gusto kong sumigaw at magwala ngunit hindi ko magawa. Sumasakit na ang lalamunan ko kapipigil sa mga luhang nagbabadyang bumagsak. Pumikit ako saglit at samut-saring alaala ang biglang bumisita sa isipan ko. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay ginunita ko ang mga araw kasama ang tanging lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko.

"Anong tingin mo kay Mart?" seryoso kong tanong. "Ayos lang ba kung payagan ko siyang manligaw? Bestfriend kita at alam kong concerned ka sa akin. Kaya gusto ko sanang humingi ng opinion mula sa 'yo." Humarap ako sa kaniya at kinaway-kaway ang palad ko sa tapat ng mukha niya. "Ano, natulala ka na?"

Bigla siyang natauhan.

"Bakit? Manliligaw na ba siya sa 'yo?"

Tumango ako.

"He's a great guy and I want to give him a chance. What do you think?" I asked, silently praying that he would say no.

"Kung 'yan ang ikasasaya mo, bakit hindi?"

Halos gumuho ang mundo ko dahil sa narinig. Wala man lang ba siyang katiting na pagmamahal na nararamdaman para sa akin?

"Talaga? Ayos lang sa 'yo?" nakangiti kong sambit, kahit ang sakit-sakit na.

"Sino ba ako para tumutol?" 

Lalo akong pinanghinaan ng loob dahil sa sagot niya.

Sino ba naman ako sa buhay niya?

I was just his best friend.

"Ayos ka lang ba? Ang putla mo yata ngayon. May sakit ka ba?" tanong niya pagkarating ko sa classroom. Kagagaling ko lang sa washroom at kasalukuyang nagtuturo ang professor namin sa unahan.

Bigla akong kinabahan.

Hindi kaya baka nakakahalata na siya?

Umiling ako at saka umupo sa tabi niya. Naglabas ako ng notebook at nagsimulang mag-jot down ng notes na nakasulat sa white board.

"Sigurado ka?" tanong niya ulit at tila ba sinusuri ang mukha ko. 

Kinapa niya ang noo ko. Sa takot na baka malaman niya ang totoo ay bigla kong hinawi ang kaniyang kamay.

"Ayos lang ako, okay?" wika ko at ngumiti para mapanatag siya.

No, now is not the right time, I thought. Hindi pa nga alam nila mama.

Saka ko nalang sasabihin sa kaniya...

"Dahil ba sa kaniya?" malamig niyang sabi. Hindi ako nakasagot dahil sa gulat. "Kaya mo ba ako iniwan? Para ipagpalit ako sa kaniya? Dahil mas masarap siya humalik? Dahil mas magaling siya sa kama?"

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon