Chapter 25: Even if

5.5K 97 10
                                    

Chapter 25: Even if

"Ayos ka lang ba? Ang putla mo yata ngayon. May sakit ka ba?" tanong ko pagkarating niya. Kagagaling niya lang sa washroom at kasalukuyang nagtuturo ang professor namin sa unahan.

Umiling siya saka umupo sa tabi ko. Naglabas siya ng notebook at nagsimulang mag-jot down ng notes na nakasulat sa white board.

"Sigurado ka?"

Kinapa ko ang noo niya. Hindi naman mainit. Wala naman siguro siyang lagnat?

"Ayos lang ako, okay?" sagot niya na may kasamang ngiti.

Siguro paranoid lang talaga ako.

Tumango ako't muling nag-focus sa dini-discuss ng professor namin. Kaso walang pumapasok sa utak ko. Para akong lutang at wala sa wisyo. Dahil na rin siguro sa pagod at puyat. Madaling araw na rin kasi kaming naka-uwi kagabi dahil sa naganap na intercollegiate battle of the bands. Masaya kasi champion na naman kami. Ang saklap lang dahil may pasok kami ngayong sabado. Ayaw ko namang um-absent kasi panay major ang subject ngayon kaya kahit bangag, pumasok pa rin ako.

Halos tatlong linggo na rin ang nakararaan mula nang ma-ospital ako. Magaling na ang braso ko at nakakakilos na ulit ako nang ayos. Nagkabalikan na rin ulit sa wakas si Erica at ang boyfriend niya. Buti nalang at mukhang nagbabagong-buhay na ang gago.

Kung kakamustahin mo kami ng bestfriend ko?

Okay naman kami. Nagha-hang-out pa rin kami kasama ang barkada. Sabay pa rin kaming pumapasok, umuuwi at kumakain ng lunch gaya nang nakagawian namin.

Okay naman ako.

Okay na okay lang ako.

Kahit na masakit makita siyang masaya sa piling ng iba.

Kahit na alam kong may iba nang nagpapangiti sa kaniya.

Kahit na hindi ko na siya naso-solo 'di tulad dati.

Kahit na alam kong wala na talagang pag-asang maging kami.

Lahat kinakaya ko, makasama lang siya.

Kahit masakit makitang naglalandian silang dalawa sa harap ko na para bang walang bukas.

Kahit nagmumukha na akong thirdwheel kapag kasama ko silang dalawa.

Ayos lang, basta nasa tabi ko siya.

Makita ko lang siyang nakangiti at masaya, sapat na.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Tanghali na nang gisingin ako ng katabi ko.

"Sabi sa 'yo dapat hindi ka nalang pumasok," pambungad niya.

"Sayang attendance. Mahirap pati maghabol ng lessons," humihikab kong sagot.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon