Chapter 21: Not really

6.7K 109 9
                                    

Chapter 21: Not really

"Ayaw ko na."

Tatlong salita. Tatlong salita na gumimbal sa mundo ko.

Akala ko nagkamali lang ako nang rinig. Akala ko nagbibiro lang siya.

Hindi pala.

Nang magsalita siyang muli, saka ko lang napagtanto na hindi lang 'to basta masamang panaginip o ano.

"Tapusin na natin 'to," nauutal niyang sabi.

Bumangon ako at humarap sa kaniya. Tumingin ako nang diretso sa kaniyang mga mata.

"What are you talking about?" I ask with confusion.

"Let's end this," mariin niyang sagot.

Natigilan ako dahil sa narinig.

Alam ko naman na darating kami sa puntong 'to. Na iiwan niya rin ako. Hindi ko inakala na masasaktan pala ako nang ganito.

Para bang gumuho ang mundo ko.

Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi pa naman katapusan ng pagkakaibigan namin.

"Why?" nagugulumihanan kong tanong. "Bakit? Nagsasawa ka na ba sa 'kin?"

Umiling siya.

Kung gano'n, bakit?

"We're just friends. And friends don't kiss each other. You don't make-out with your friend. You don't make love with a friend. What we've been doing...everything's just so wrong," she exclaims with frustration.

Alam ko namang mali. Sa umpisa pa lang, mali na ang lahat.

Kung alam ko lang na bibitiw rin pala siya, sana hindi nalang ako pumayag sa umpisa pa lang.

"Bakit ngayon pa? Okay naman tayo. Masaya naman tayo, 'di ba? May nagawa ba akong mali?"

Napayuko siya.

"I love someone."

Para akong binagsakan ng langit at lupa nang sabihin niya ang mga katagang 'yan.

Hindi ko alam na may mas sasakit pa pala sa nararamdaman ko.

Hindi ko alam ang sasabihin kaya yumuko nalang ako.

"Maling-mali ang lahat. Tigilan na natin 'to. Gusto ko nang magbago."

Hindi ako nakasagot. Ilang minuto rin kaming nanatiling walang imik.

Binasag ko ang katahimikan sa pamamagitan ng pagsasalita.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon