Chapter 36: Stay away

5.1K 74 2
                                    

Chapter 36: Stay away

"Aww! Daddy won again," nakasimangot na sabi ni Maxine saka padabog na ipinatong sa lapag ang hawak na playstation controller. "I quit! Lagi nalang ako talo!"

Linggo ngayon at mag-a-alas singko na ng hapon. Halos isang linggo na rin ang nakalipas mula nang sabihin ko sa kaniya ang tungkol sa nasaksihan kong pagkikita ng ex-girlfriend ko at ng fiance niya. Hindi na ulit namin iyon napag-usapan pagkatapos. Sa palagay ko ay naka-usap niya na rin ang fiance niya tungkol dito kasi mukhang panatag na ang loob niya at hindi na ginugulo ang isip niya ng usaping ito.

Kasalukuyan kaming naglalaro ng video games. Itong anak-anakan ko, nagta-tantrums na. Pa'no, kanina ko pa kasi siya paulit-ulit na natatalo.

"Panalunin mo naman si baby girl." Ayan na pala ang kaibigan ko.

"Siya sige na nga. Laro ulit tayo baby girl," malambing kong sabi.

"Ayaw!" masungit na sagot ng bata.

"Ay nako! Ikaw talaga baby," tumatawang sabi ng kaibigan ko. Katatapos niya lang mag-bake at kagagaling lang sa kusina. Inilapag niya ang hawak na tray na naglalaman ng cookies at isang pitsel ng iced tea sa mini table. "Kain muna kayo," nakangiti niyang sabi pagkatapos saka umupo sa gitna naming dalawa ni baby girl.

Sa isang iglap, sa pagkain na nakatutok ang bata. Ang kaninang nakasimangot niyang mukha ay unti-unting napangiti.

Dumukot ako ng cookie mula sa tray saka sumandal sa rim ng sofa.

"Balita ko may reunion daw ang batch natin no'ng high school. A-attend ka ba?" tanong ko sa kaibigan ko habang namamapak ng cookies.

"Hindi. Anong gagawin ko ro'n, tutunganga? Baka paulanan pa nila ako ng tanong tungkol sa kalagayan ko. Kaya mabuti pang huwag nalang akong pumunta," sagot niya habang abala sa pagliligpit ng mga nagkalat na laruan ng bata.

"Sayang naman. Minsan lang iyon. Saka malay mo, may bigla kang maalala pagbalik sa dati nating school," wika ko habang pinaglalaruan ang hawak na cushion.

"Sabagay. Kaso hindi pa ako handa. Baka mabigla sila," malungkot niyang sagot.

"Kung hindi ngayon, kailan pa?" pabiro kong sabi, sabay kuha ng isa pang cookie. "Kailan mo balak sabihin sa kanila?"

Huminga siya nang malalim at bumuga ng hangin. "Hindi ko alam."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. Hindi siya pumalag. Nakatingin lang siya sa malayo at para bang may malalim na iniisip.

"Hindi naman sa minamadali kita. Sana man lang maisip mo ang mga nararamdaman naming mga kaibigan mo. Ilang taon ka ring nawala at ni wala kaming balita tungkol sa 'yo. Kahit magpakita ka lang saglit sa kanila, tiyak magiging masaya sila. Ako nang bahalang magpaliwanag sa kanila tungkol sa kalagayan mo."

Napahilamos siya ng palad sa mukha. "Bahala na," sambit niya saka yumuko at ipinatong ang kaniyang ulo sa ibabaw ng mga nakatiklop niyang tuhod.

Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya. Hindi ko alam kung anong isasagot kaya nanatili nalang akong tahimik. Pinaglaruan ko nalang ang mga daliri niya. Maya-maya, minamasahe ko na ang kamay niya.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon