Chapter 5: Crush

12.3K 146 8
                                    

Chapter 5: Crush

Lunch break na at kasalukuyan kaming nasa cafeteria upang kumain ng tanghalian. Buo ang barkada ngayon, s’yempre. Magkakasama kami ngayon kasi mula alas dose nang tanghali hanggang ala una nang hapon lang naman kami magkakaparehas na vacant.

Sa pangwaluhang table kami naka-upo. As usual, si Cza, busy na naman sa pakikipag-text! (I wonder kung si Calix ba ‘yang ka-text niya o baka ibang lalaki na naman). Si Mart naman, tahimik lang. Si Hero at Ken, magkausap. I have no idea what they’re talking about, seriously. DotA na naman kasi topic nila! As if namang makaka-relate ako ro’n. Si Allen at Nica? Ayan! Nag-aaway na naman po. Lagi naman silang gan’yan kaya masanay na kayo.

“Sinabi ko naman sa ‘yo, ‘di ba? Mamaya tayo gagawa ng project tapos sasabihin mong hindi ka p’wede—” reklamo ni Nica. Kaagad namang sumagot si Allen.

“Ano bang magagawa ko? May tutorial session pa kami ni Darlene mamaya—”

“P’wede namang ipagpaliban muna ‘yun! Mas importante ‘tong project natin! Grade nating dalawa ang nakasalalay rito!” hirit ni Nica. Tss! Here they go again, bickering nonstop and arguing over petty things.

“Alam ko! Sa Monday pa naman deadline n’yan ah! Hindi nga ako p’wede ngayon, ba’t ‘di mo maintindihan ‘yun? Kabilin-bilinan pa naman sa ‘kin ng Dean na turuan ko raw si Darlene. Alam mo namang exams na natin next week at kailangan niyang maka-catch-up sa lessons—”

“Darlene, Darlene! Darlene na naman! Nung isang araw, ‘di ka naka-sipot sa lakad natin dahil may tutorial session pala kayo. Tapos ngayon, si Darlene pa rin? Siya na lang lagi! Gan’yan ka naman! Magsama kayong dalawa—!”

Hindi ko na talaga kaya! Naririndi na ako sa boses nila kaya umeksena na ako.

“Shut up, both of you! Ang ingay niyo! ‘Di ba kayo nahihiya? Pinagtitinginan na kayo rito tapos sige pa rin ang talak niyo? Na’ndito tayo para kumain, hindi para mag-away kaya mamaya niyo nalang pag-usapan ‘yan…p’wede ba?”

Natahimik naman sila pareho. Minsan talaga, kailangan lang nila ng taga-awat para tumigil at manahimik.

“O, ayan na pala ang order natin,” singit ni Hero (nice one dude) nang dumating iyong waitress na may hawak ng tray. Ang sos’yal, ‘no? May waitress pang nalalaman! Pang-mayaman kasi ‘tong university namin kaya ‘wag na kayong magtaka.

Matapos ilapag ng waitress sa table ang mga in-order namin, nagsimula na kaming kumain.

Tahimik lang ako habang kumakain. Samantalang tuloy pa rin sa pag-uusap sina Hero at Ken. Nakisali rin sa usapan ng dalawa si Mart. Si Cza naman, pansamantalang tumigil sa pagte-text habang kumakain na gaya ko’y tahimik lang din. Sina Allen at Nica, walang kibuan habang kumakain. Tsk. Magkaaway na naman ang dalawa! Mortal enemies talaga kahit kailan.

Habang kumakain, bigla kong naalala ang tungkol sa isang bagay na bumabagabag sa ‘kin. Kaya naman…

“Cza?” I ask her.

“What is it?” she answers as she continues to eat.

“Anong mayro’n sa inyo ni Calix?”

Napatingin tuloy sa ‘min ang buong barkada, tila ba nag-aabang sa kaniyang sagot. Si Ken naman, biglang napatahimik. Uh-oh! Wrong move! I guess, I shouldn’t have asked that.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon