Chapter 7: Blind date

9.9K 128 4
                                    

Chapter 7: Blind date

Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili.

Nakasuot ako ng blue floral dress na umaabot hanggang sa ‘king tuhod na tinernuhan ng puting sandals. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok na umaabot hanggang sa ‘king baywang. Mainipis lang ang make-up na suot ko—just plain face powder, eyeliner and lip gloss. And for the accessories…I wear pearl earrings, silver necklace and silver bracelet.

Hmm…p’wede na siguro ‘to.

Hindi ko naman kailangang magpaganda para lang sa unwanted blind date na ‘to. In the first place, hindi ko naman ginusto ‘to. Napilitan lang naman ako. Ayaw ko nga sanang tumuloy dahil hanggang ngayon masakit pa rin ang ulo ko (hangover shit). Mas gugustuhin ko pang matulog nalang maghapon kaysa makipag-date kaso naalala kong hindi ako p’wedeng tumanggi kung ayaw kong ma-grounded.

Kinuha ko ‘yung pouch na naglalaman ng aking mga gamit (wallet, make-up and cellphone) at saka lumabas ng k’warto. Pagkababa ko ng living room, sumalubong agad sa ‘kin si Mama—naka-bihis na at handa nang umalis.

“Let’s go?” aniya.

Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad palabas ng bahay.

-

Hindi nagtagal at nakarating din kami sa restaurant kung saan gaganapin ang blind date. Bumaba na kami ng kotse at naglakad papasok sa nasabing lugar.

Hindi ko alam kung sa’ng table naka-upo ‘yung kikitain namin (obvious naman kasi nga…blind date ‘to) kaya nakasunod lang ako kay Mama habang naglalakad kaming dalawa patungo sa kung saan. Habang naglalakad, pamasid-masid lang ako sa paligid. Pansin ko lang, panay mga couple ata ang customer ngayon dito. Coincidence? I think not. Siguro dahil romantic ang atmosphere rito kaya gano’n.

Sige lang ako sa paglalakad hanggang sa tumigil si Mama sa harap ng isang table na may nakaupong isang magandang babae at isang lalaki—naka-talikod siya kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha. I’m not sure pero parang…parang pamilyar siya. (Hindi kaya…nah, hindi naman siguro). Tantiya ko’y nasa early 40’s na ang edad ng kasama niyang babae base na rin sa itsura nito…which I think, might be his mom. Oh, well. Siguro napagkasunduan ‘to ng mga nanay namin (na possibly, mag-kumare slash business partners) kaya wala kami/akong choice kundi um-attend sa blind date na ‘to.

Ngumiti sa ‘min ‘yung babae nang makita kami ni Mama.

“O, mare! And’yan na pala kayo,” aniya saka siya tumayo at nakipag-beso-beso sa Mama ko. And then napatingin siya sa ‘kin, “Hija, ikaw na ba ‘yan? Hindi agad kita nakilala…ang laki-laki mo na! Lalo kang gumanda,” dagdag niya pa sabay yakap sa ‘kin. (Define awkward!) Ngumiti nalang ako at yumakap sa kaniya.

So nagkita na pala kami rati? Hindi ko alam! Matagal na siguro, bata pa ata ako no’n kaya hindi ko naaalala.

After that, humiwalay na kami mula sa pagkakayakap sa isa’t isa. Muling nag-usap ang dalawang magkumare and then biglang tumayo ‘yung lalaking naka-upo (‘yung ka-date ko, whoever-he-is) at saka siya humarap sa ‘min.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon